PAALAM... (spoken poetry)

in spokenpoetry •  6 years ago 

20180831_213958.jpg

Nung nakasama kita, akala ko ako'y sasaya.
Nung nakilala kita, akala ko iba ka.
Ngunit hindi pala.
Akala ko lang pala.

Bakit ba lagi nalang akong mag-isa?
Bakit lagi nalang akong naiiwang mag-isa?
Wala ba akong karapatang maging masaya?
Wala ba akong karapatang makasama ka?
mayakap ka?
tumawa?
kahit kunwari lang.
kahit magmukha akong tanga.

Pero syempre imposible yon, diba?
Kasi may iba ka na.
May iba ka na kahit tayo pa.
Ginawa mo akong tanga.

Ganun ba kahirap bitawan ang tulad ko
bago ka naghanap ng kapalit ko?
Mahal, di naman siguro.
At di rin naman siguro ako ganun ka gago para di mapansin ang mga kilos mo.
Ang mga kilos mo na kay hirap maunawaan,
Na sa kahit konting dahilan ayaw mo kong pakawalan dahil sa kagustuhan mong ako'y saktan ng pisikilan.

Mahal, ano bang nakita mo sa kanya at nagkaganyan ka?
Di ka naman dating ganyan nung tayo pa.
Di ka naman ganyan nung ako pa ang nagmamahal sayo,
Nung ako pa ang mahal mo.
Anong bang nakain mo at naging ganyan ka ka gago?

Ngayon hiniling mong mawala ako sa tabi mo.
Pinaalis mo ko.
Ginusto mong sa buhay mo ako'y maglaho.
O sige, gagawin ko.
Kahit labag sa kalooban ko, gagawin ko.
Kahit pa guguho ang mundo ko 'pag nawala ka sa tabi ko.
Gagawin ko.
Gagawin ko ang gusto mo.
Aalis ako at di na muling magpapakita pa sayo.
Per sana, mangako ka.
Mangako ka na magiging masaya ka.
Magiging masaya ka sa piling niya.

Kaya mahal, PAALAM.
Ako ay tutuloy na....

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @nuvie! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

You can upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!