The diary game season 3(November 9,2021) "Ang aming di inaasahang pamamasyal sa Mactan Shrine"

in steemiphillipines •  3 years ago  (edited)

Hello po sa lahat ng mga steemians !! Kumusta po sana ay nag enjoy kayo kasama ang inyong Pamilya ?

20211109_092530.jpg

20211109_190940.jpg

Araw ng linggo November 7, nag anunsyo ang MECO(Mactan Electric Company Inc.) na pandaliang makaranas ng walang kuryente ang maraming baranggay dito sa amin. Kasama ang aming baranggay sa nasabing mawawalan ng supply kaya napag isipan naming magbike. Kasama ko ang aking mga katrabaho kung saan lilibotin namin ang Mactan. Sa hindi sinasadyang pangyayari napadaan kami sa Mactan shrine ang makasaysayang Lugar sa Mactan. Isa rin itong sikat na tourist spots na dinadayo ng mga tourista ngunit simula ng magkapandemic pinagbabawalan itong pasyalan. Binuksan itong muli ng pinatupad na ang new normal. Makikita dito ang munomento ni Datu Lapu-lapu .Isang dakilang mandirigma na lumupig sa isang dayuhang Portoguese na si Ferdinand Magellan at ng kanyang buong hukbo.
received_1060810864732714.jpeg
20211107_075013.jpg
Sa harap ng malaking rebolto ni Lapu-lapu makikita ang ating watawat at ang malawak na tanawin na kulay asul. Meron ding isang malaking poster na ang nakasulat ay 500YRS anibersaryo ng tagumpay sa Mactan. Maraming taga pangalaga at tagabantay para mapanatili itong malinis. Kahit saang kasuloksulokan walang makikitang basura na nakakalat. Dati ay hindi ito ganito kaganda at simula noong napalitan ang Mayor dito ay natuonan ito ng pansin at agad na nerenovate. Pwede rin maglaro ang mga bata dito malaki at malawak ang kanilang mapagtatakbuhan. Naala ko tuloy ang mga anak ko kung andito sana sila tiyak ay dadalhin ko dito.
20211107_074435.jpg
Dito naman banda makikita ang litrato ng dalawang grupong naglalaban sa baybayin ng Mactan. Nakasulat din sa isang munomento ang petsa at taon ng madugong labanan.
20211109_191037.jpg
20211109_190929.jpg
Sobrang nag enjoy kaming tatlong bihira lang kami magkakasamang magbike. Linggo ay ang araw ng family bonding nagkataon lang walang kuryente at mainit sa bahay kaya nagkasundo kaming tatlo. Na exercise din namin ang aming mga katawan.
Inaanyayahan ko si mam @jeanalyn mam @azeiazaazi mam @lonelylover na sumali at maraming salamat . 20% ng aking kita ay para kay @steemitph
"Hanggang dito nalang muna ang aking diary. Salamat sa pagbasa at pagbisita hanggang sa muli"

By rose0128,

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hello rose, salamat sa pag mention hehehe