Pag-ibig na Talunan

in steemit •  2 years ago 

Pag ibig? Ano nga ba ito
Bakit maraming nalilito
Wala yun, di yun totoo
Walang panalo, lahat talo

Yan ang sabi ng isang wasak ang puso
Binibining nag alay sa maling tao
Hangarin at pag ibig ay purong puro
Kaso sakit ang naisukli sa dulo

Mahirap man ito pero kailangang tanggapin
Ang kinabukasan ay handa ko nang harapin
Dapat akong masanay na wala siya sa piling
Kahit anung gawin di na siya babalik sakin

Ang natutunan ko sa kanya? Simple lang naman
Di na namili binase sa kagwapuhan lang
Di na siya nag isip ,puso lang ang pinakinggan
Yan Tuloy, nahulog, Umibig at nasaktan lang

Ang pag ibig ay hindi simple, di basta basta
Piliing tama ang habangbuhay na kasama
Ang pag-ibig ay parang puso ay ipinusta,
Masaktan man, bumangon ka't may bagong umaga

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!