Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ang Kagustuhan Makapaglakbay Muli

in steemitdora •  5 years ago  (edited)

jl6f5j.jpg

Magandang buhay mga #steemitdora!

Alam ko na karamihan sa atin o halos lahat yana ay gustong-gusto na mapuntahang muli ang mga lugar na ating pinapangarap. Yun bang punong_puno na buhay at sobrang napakakulay. Kaso dahil nga sa ating hinaharap ngayon ay hindi muna natin mapupuntahan ang mga lugar na iyon.

Huwag tayong masyadong mainip mga #steemitdora sapagkat darating din ang panahong atin pinakahihintay. Tayo ay muli din makakapaglakbay.

Sa totoo lang gusto kong balikan ang aking paglalakbay Sirao Garden. Makikita talaga ang kagandahan ng ating Inang Kalikasan. Gusto kong makapaglakbay muli sa napakagandang lugar ng Sirao garden.

Siguro sa susunod na taon ako makapupuntang muli.

Hangad ko rin sa lahat ng #steemitdora na mapuntahan ang gustong mapuntahan katulad na lamang na makauwing muli sa sariling tahanan kagaya ko. Pakiwari ko ay napakatagal ng panahon na hindi ko nasisilayan ang aking mahal na tahanan.

Sana ay mangyari na ang hinahangad ng aking puso't isipan.

Hanggang sa muli mga #steemitdora.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!