Magandang Buhay #steemitdora!
Ako po ay nagagalak na kahit sa pamamagitan ng mga litrato ay parang nakauwi na rin ako. Ang kaligayahang hatid na makauwi sa pinagmulan at makapiling ang mga buhay sa buhay ay walang katulad na ligaya.
Ang sarap sa pakiramdam na makapiling ang mga minamahal. Sa tuwing masisilayan ang mga ngiti sa labi ang puso ay nag-uumapaw sa galak at tuwa. Nakakapanabik talaga na sila ay muling masilayan at muling makapiling.
Hanggang sa muli #steemitdora!