Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Panalangin Ko Na Makauwi Na Sa Amin

in steemitdora •  5 years ago 

Magandang Buhay #steemitdora!

Nais kong ipabatid sa inyo na halos araw-araw ay ninanais ko na makauwi na sa aming tahanan. Tanong ko sa aking sarili kelan kaya mangyayari ulit ang ganitong tagpo noong ako ay umuuwi pa na hindi alintana kung sinu-sino ang nakakasalamuha.

efuk0o.jpg

Kelan din kaya mangyayari yun pagkakataon na magbubukas ang mga pantalan upang makapaglayag ang mga taong gusto umuwi sa kani-kanilang mga tahanan. Hay! Kelan pa kaya. Pinapanalangin ko na sana ay malapit na yun mangyari.

Sigurado ako na kapag magbukas ang mga pantalan ay hindi na magsisiksikan ang mga tao kagaya ng litrato na aking ibinahagi. Sigurado na magbabago ang pamamalakad sa mga pantalan. Magkagayunpaman, walang problema sa akin sapagkat ang tangi kong ninanais ay ang makauwi.

Hanggang sa muli mga #steemitdora.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!