Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon: Araw ng Lunes - Ang paper bag ng buhay ko.

in steemitdora •  6 years ago 

Hindi siya shoulder bag, traveling bag o sling bag kundi paper bag. Ang paper bag ng buhay ko.
image
Ito ay simpleng paper bag lamang ngunit may malaking halaga sa akin. Nakapaloob dito ang punong-puno na pagmamahal.
image
Ito ang laman ng paper bag at ito ay bigay ng aking pinakamamahal na lalaki sa buhay ko noong valentines day. Hindi ko ito itinapon dahil sa parte na ito ng aking buhay. Nais kong likumin ang mga naibigay niya sa akin upang isa-isa ko paring maaalala ang mga mahahalagang pangyayari sa bawat bagay na natanggap.
Pero hindi sa lahat ng bagay makikita ang pagmamahal kundi sa pagsisikap niyang mapasaya ako at mahalin ako na walang kapalit.
Maligaya ako dahil hindi ko man hinangad na mabigyan ng mga magagarang bagay na ito
ngunit binigyan ako ng panginoon na handang magbigay ng pagmamahal hindi sa materyal na bagay kundi ang puso na tunay na nagmamahal.

Ang tunay na pagmamahal ay marunong magparaya, magpatawad, umintindi, magsakripisyo, matutong rumespeto, may tiwala at buong puso iaalay ang buhay na walang kapalit.

Sa mga single diyan, huwag maging malungkot dahil maraming nagmamahal sa inyo hindi lang isa kundi marami. Huwag mawalan ng pag-asa, darating at darating din yan sa tamang panahon. Habang may buhay may pag-asa.

Nagmamahal,
@wittyjov24

Linggo:
https://steemit.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-araw-ng-linggo-tayo-na-t-magdasal

Link para sa buong linggong paglalakbay:
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-unang-labas-sa-araw-ng-linggo-e92d7064365e7

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hahaha..Nadali mo ako sis @wittyjov24 dun sa panawagan mo sa mga single. Hahaha.

Kahit anong bag pa yan basta pinapahalagahan ay may halaga. Lols. 😀😀😀

Totoo yan sis @steemitdora!
Hehe may halong joke na totoo😊