Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon: Maging Masaya lang, ayos na!

in steemitdora •  6 years ago  (edited)

Huwag nating payagan kung sinuman ang may nais na iwaglit ang ngiting nakapinta sa ating mukha.
Maging masaya lang, ayos na!
IMG20180616170940.jpg
Kuha ang larawang ito noong piyesta sa Danao Cebu sa bahay ng Manager namin.
Ngiting saya ang napinta sa aking mukha dahil sa unang beses ko ito na nakapunta sa kanilang lugar.
Nabighani ako sa ganda ng bahay nila at kulay puti pa.
Lakbay ng lakbay lang tayo hanggat kaya pa dahil minsan lang tayo maging bata.
Sa susunod na yugto ng ating buhay ay hindi natin alam kung kaya pa ba nating maglakbay.
Minsan ang buhay ay mapaglaro. Kung kailan wala tayong pera ay gustong gusto nating gumala subalit sa panahon na may sapat na tayong pera ay hindi na rin natin kayang gumala. Ganito talaga ang buhay hindi lahat ng gusto natin ay lagi natin nakukuha sa parehong oras at panahon.
Pero huwag tayong makalimot na maging masaya hangga't bata pa para kung tumanda na tayo ay marami tayong ala-ala na masaya at pwedeng makuwento sa ating mga anak, apo at maging sinuman.
Hanggang dito nalang.

Maraming salamat mga ka @steemitdora!

Nagmamahal,
@wittyjov24

Lunes:
https://steemit.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-kasama-ko-sa-aking-paglalakbay

https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-unang-labas-sa-araw-ng-linggo-e92d7064365e7

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Sis @wittyjov24 gandang-ganda talaga ako sau lalo na kung nakangiti lutang kasi dimples mo. 😀 Ang saya naman ng gala mo sa Danao nakifiesta. 😀

Salamat naman @steemitdora.
Laking pasalamat sa bigay ng poong maykapal😊