Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon : Magtrabaho ay Di biro , Maghapon ay Nakaupo

in steemitdora •  6 years ago 

Balik na naman sa trabaho mga ka @steemitdora.
Ako ay patungo sa Cargo Area, MCIAA Compound, Lapu-Lapu,City kung saan ang lokasyon ng opisinang aking pinagtratrabahuan.
image
Sadyang hindi talaga biro ang magtrabaho kahit nakaupo dahil hindi man eto trabahong pampisikal kundi ay mental.
Maswerte tayong lahat na may trabaho ngayon dahil marami pa rin sa ating mga kababayan na gustong magtrabaho pero hindi pinalad na matanggap dahil sa hindi kwalipikado.
Dapat edukasyon ay pahalagahan para madaling makakita ng hanapbuhay pagkatapos mag-aral.
Dapat natin mahalin at alagaan ang ating trabaho para hindi ito mawala sa atin.
Sa paligid natin, marami pa rin ang nagkalat na batang lansangan dahil sa hindi maibigay ng kanilang magulang ang kanilang mga pangangailangan. Ang iba ay namamalimos na lamang, namumulot ng basura at nagbibilad sa araw para magsaka.
Isipin nating mabuti gaano tayo kaswerte na mabuti ang ating trabaho may sariling silya, lamesa , computer at may pa-aircon pa.
Kung minsan madali tayong sumuko kapag may problemang dumarating, agad magbitiw sa trabaho at hindi iniisip na kahit madami man ang pwedeng pagtrabahoan ay hindi pa rin madali.
Dapat nating pagsikapan na hindi mawala ang ating trabaho dahil malaking tulong ito para sa pang-araw-araw na gastusin lalo na sa may mga sariling pamilya.
Payo ko sa mga mag-aaral ngayon na pahalagahan ang inyong edukasyon dahil ang karunungan ay hindi maaring agawin ng kung sinuman iyo't iyo lang yan. Ang tanging kayamanan mo at maipagmamalaki mo iyong sarili at sa susunod na lahi.
Kaya napakaling pasasalamat ko sa panginoon na binigyan niya ako ng magandang trabaho.

Hanggang dito nalang mga kaibigan ko @steemitdora @steemitserye
Salamat din @yennarido @shikika @sunnylife
@surpassinggoogle

Nagmamahal ng lubos,
@wittyjov24

Linggo:
https://steemit.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-sa-simbahan-ay-magdasal-upang-magtaglay-ng-magandang-asal-8193e651e2f4a
Lunes:
https://steemit.com/buhay/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-bag-ko-dala-dala-ko-061c0acb592c9
Martes:
https://steemit.com/steemidora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-ako-y-malaya-ngayon-saan-man-magpunta-6274ddd456b24

https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-unang-labas-sa-araw-ng-linggo-e92d7064365e7

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Tama po kayo sis @wittyjov24 dapat nating pahalagahan ang pag-aaral at ang ating mga trabaho.
Patnubayan po kayo ng Panginoon sa lahat ng hamon sa buhay. Laban lang ng laban. 😀💖

Salamat sis sa iyong magandang mensahe sa akin.
It inspires me!

gandang mensahe sis:)
mabuhay ka!
Sama kami sa paglalakbay mo:)

Mabuhay tayong lahat sis!
Tara sama tayo😊