Welcome sa Campuestohan Highland Resort mga ka @steemitdora.
Ang napakagandang lugar na ito ay nasa Negros Occidental.
Wow na wow! Ang unang nabigkas ko noong ako'y nakapunta doon. Talagang napakaganda ng lugar at maaaliw ka talaga sa paligid.
Nakakamangha din ang kanilang pinapaupahan na kwarto dahil kakaiba tulad ng nasa larawan at ang tawag nila dito ay "Indian Village". Akala mo maliit kapag una mong makita pero iba ang nasa loob napakalinis, napakalaki at maraming gamit din.
Kung gusto mo ring maligo ay may napalaking wave swimming pool. Mayroon pa silang pakulo na pasnow. Ang sarap maging bata doon. Nakakaaliw talaga at nakakamangha. Malamig doon kapag gabi kasi nasa may bukid ang Resort. Kaya ang hangin doon ay sariwa walang polusyon .
Mayroon din silang mga estatuwa ng mga paboritong cartoon characters ng mga bata gaya ni spiderman, batman, snowhite at marami pang iba.
Hindi ka magsasawang maglibot dahil sa parang nakapunta ka sa iba't ibang lugar.
Marami din silang palaro doon gaya ng Zipline, horseback riding, bike riding sa ibabaw, chess, may hanging bridge at marami pang iba.
Talagang kulang ang dalawang araw kapag ikaw ay pumunta doon kasi mawiwili ka talaga sa ganda ng lugar.
Nakapunta ako doon dahil sa libre ito ng aming kumpanya.
Salamat Nippon Express sa pagkakataon na makapunta sa Negros Occidental at mismo sa Campuestohan Highland Resort.
Hanggang dito nalang mga ka @steemitdora.
Thank you for your unending support @surpassinggoogle @yennarido @shikika
Nagmamahal,
@wittyjov24
Lunes:
https://steemit.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-kasama-ko-sa-aking-paglalakbay
Martes:
https://steemit.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-maging-masaya-lang-ayos-na
Miyerkules:
https://steemit.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-sa-tabing-ilog
Link sa buong linggong paglalakbay:
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-unang-labas-sa-araw-ng-linggo-e92d7064365e7
Napa WOW rin ako sis @wittyjov24. 😀 Sobrang ganda at lawak ng resort. Ang sarap magpunta. 😀
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sobra sis @steemitdora..sarap nga bumalik 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit