Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon: Sa tabing Ilog!

in steemitdora •  7 years ago 

Kay gandang tingnan ng ilog sa aking tabi,
Hindi ba ka @steemitdora?
Kuha ko ito noong nagpunta ako sa Loboc River ng Bohol. Ang likas na ganda ng ilog ay nagbigay aliw sa mga turista na dumadayo doon at isa na ako doon. Simple lang pero malakas ang dating kaya maraming bumabalik balik sa lugar na ito.
Mabuti din ito dahil ang kita sa turismo ay nakakatulong din sa pag-unlad sa bayan nila. At sa pagpunta ko dit ay nakatulong na din ako.
20170827_135044-1-1-1.jpg
Maliit lang dala kong bag para hindi sagabal sa aking paglalakbay at iyong mahahalagang bagay lang.
Sarap kaya maligo dito kaso hindi ako marunong lumangoy, nakakatakot malunod.
Malamig sa mata ang kulay berdeng tubig at puno. Masarap lang magbabad sa tubig.
Napunta ako dito kasama ang aking mahal sa buhay dahil gustong gusto talaga niya na makapunta sa Bohol at bilang pagdaos ng aming ikadalawang anibersaryo ng aming pag-iibigan.
Lahat ng pagkakataon na pwede kaming magkasama ay sinusulit namin dahil sa minsan lang kami magkita. Isang beses lang sa isang buwan. Mabuti na kung makadalawa pero bihira dahil may kanya kanya kaming trabaho na inuuna.
Kapag kasama ko siya'y oras ko'y hindi sasayangin, memorya ay dapat bilangin.

Hanggang dito na muna mga kaibigan.

Nagmamahal,
@wittyjov24

Lunes:
https://steemit.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-kasama-ko-sa-aking-paglalakbay
Martes:
https://steemit.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-maging-masaya-lang-ayos-na

Link para sa buong linggo'ng paglalakbay
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-unang-labas-sa-araw-ng-linggo-e92d7064365e7

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang ganda naman ng kulay berdeng kapaligiran..Nakakainlove kagaya ng pag-iibigan niyong magkatipan. 😀💖