" Tula para sa kanya "

in steemitph •  6 years ago  (edited)

image


italic

           " LARO "

Sa isang laro tayo'y nagkasundo
Isang laro na inakalang ako'y mananalo
Isang laro na akala'y magiging totoo
Ngunit nagkamali ako

Ang larong ito'y tinik pala sa buhay ko
Tinik sa nanahimik kong puso
Binuhos kong lahat para lang manalo
Binuhos kong lahat para lang magkatotoo
Ngunit mahal , bakit ba kay galing mo?
Kay galing mong magpanggap na
mahal mo rin ako.

Mga matatamis na salita ako'y daling nagago
Matatamis na salitang itinalo ko
Matatamis na salitang dinurog, winasak ang puso ko
Sapagkat ako'y napaniwala mong ikaw lang at ako

Mahal, Tama na !
Tama na ang pagkukunwaring
mahal natin ang isa't isa.
Sinasaktan mo na ako, teka mali
Sinasaktan ko na pala ang sarili ko

Durog na durog na ang puso ko
Diko alam kung kakayanin ko
Nababaliw ako sa kakaisip na sana'y
mahal mo rin ako
Subalit niyakap mo ko, sabay bulong
" MAHAL NA MAHAL KITA MAHAL KO "

Kay sarap pakinggan, kay sarap paniwalaan
Bulong na sana'y may katotohana't kalayaan
Ngunit mahal , kaylangan na natin tong tuldokan.

Mahal kita, hindi hindi,
mahal na mahal na mahal kita !
Pero ayoko nang magmukhang tanga
Pagod na pagod na akong lumaban mag-isa
Kaya mahal, ako'y magpapaalam na.


Original composition of ANAMAE MARTIREZ
Hope you like it guys 😉

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @lilkyut23! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemitBoard - Witness Update
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!