Dalawang minutong panalangin.
Panginoong DIYOS, maraming maraming salamat po sa lahat ng biyayang walang sawa ninyong ipinagkakaloob sa amin. Hindi man kami karapatdapat sa inyong pagmamahal, nariyan pa rin po kayo upang kami ay kupkupin.
Panginoong DIYOS , lubos po kaming nagpapakumbaba at humihingi ng kapatawaran mula sa inyo sa lahat ng aming nagawang kasalanan, Intensyonal man po o hindi, patawarin nyo po kami. Linisin nyo po ang aming mga puso at tanggalin nyo ang lahat ng negatibong emosyon na aming kinikimkim.
Panginoong DIYOS, itinataas ko po sa inyo ang aking kinabukasan at ng lahat ng aking mahal sa buhay. Ituwid mo po nawa ang landas na aking nilalakaran. Kayo po ang magdesisyon para sa akin. Samahan nyo po ko sa aking paglalakbay,
Panginoon. Kayo po ang magsilbing aking gabay mula ngayon.
Panginoon, bagamat ako ay makasalanan, marupok sa tukso at madalas man manghina ang aking pananampalataya, dalangin kong wag mo po akong bitawan. Huwag nawa po kayong magsawa na ako ay samahan.
Panginoon, kailangan ka po ng bayan ko. Ibuhos mo po ang pagmamahal at pagpapatawad nyo sa mundo. Hipuin mo po ang bawat isa sa amin na maging instrumento mo para makilala ka ng ibang tao. Bigyan mo po ang bawat isa sa amin ng sapat na talino upang ihayag ang kadakilaan mo.
Mahal naming Panginoon, hindi po kami mapapagod na sambahin ka. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking biyaya mo ay tatanawin kong utang na loob hanggang sa kamatayan ko.
Maghari nawa po ang pagmamahal na unang nagmula sayo sa buhay ng bawat anak mo na nagbabasa ng panalangin na ito.
Gamitin mo po kami para sa iyong mga plano. Gamitin mo po kaming maging instrumento mo para maging daluyan ng pagmamahal at pagpapala mo sa aming mga anak mo. Panginoon sana po mawala na ang mga kumakalat na sakit na COVID 19 sa mundo. Napakalaking pinsala na po ang idinudulot nito sa Sambayanan. Ingatan mo po kmi Panginoon. Ikaw lang po ang aming Lakas at Kagalingan.
Maraming Salamat po. Panginoong DIYOS, sayo po ang lahat ng papuri at pasasalamat, sa pangalan ni HESUS AMEN.