Pag akyat ko palang sa building namin tahimik na, means may prof na bawat department. Jusko po! Yung terror na mentor pa naman first class ko, and yeah ewan ko bakit paborito nya ko. Kaya ayon, paborito ko rin sya. Paborito nya ako sermonan mula noong last sem na hindi ako naka attend sa mind battle na ako nilista nyang pangalan. 6am ng umaga kasi yon, anong pang aasahan mo sa akin. Hehehehehe :p
Papasok pa lang ako ng room sumigaw na yung mangkukulam,
Ms. Roxas: YES MS. ARVIL JAYMEE SY?! YOU MAY STAND ON THAT HALLWAY WHILE CATCHING UP MY LESSON!
Ma'am sorry! I-I..
Ms. Roxas: YOU'RE 20 MINUTES LATE AND EXPECTING ME TO ACCEPT YOUR EXCUSES?!
Fine. Nakakahiya. Talo na ako. Huhuhu! Nakakainis, paano pa ako makaka rank 1 kung dito sa matandang dalaga na 'to zero ako lagi. :( Huhuhu. Ano nalang iisipin ng mommy at daddy! Huhuhu!
Nakatayo ako, nakatalikod sa pader at nakatingin sa mga nag so-soccer sa field. The other half of my mind is listening sa lesson, kaso nawala ako sa pag iisip nung may papel na tumama sa ulo ko. Lumingon ako sa kanan at nakita si Dwayne na nakatayo din sa labas. Naka simangot din sya. Hays, kawawa naman kami nito. Pinulot ko yung papel pero pag tayo ko, nasa harap ko na sya.
Dwayne: Hey, tara sa canteen?
No way! Nakikinig ako sa lesson namin.
Dwayne: You think matatandaan mo yung lessons nyo kung nakatulala ka sa field?
Hind..
'Di pa ako tapos magsalita hinablot na nya ko.
Hoy! Maputol braso ko!
Dwayne: Sumunod ka nalang.
Hila hila nya ko habang bawat room na dinadaanan namin nakikita ko mga ulo nakalingon sa amin. Parang adik naman kasi makahila 'tong lalake na to. Baka iniisip nila kriminal ako.
Dumating kami sa canteen, medyo maraming tao. Break time ng mga players namin. OMG! Ibig sabihin nandito si kuya Dustin my loves! Hehehe, oo sa diary ko feeling ko magka age lang kami pero in real life? Ahead siya sa akin ng 4 years. Batch mate niya ang kuya Jiro ko. Bata pa lang kami crush ko na siya. Gentleman, mabait, magaling mag basketball at ang ganda ng dimples niya!
ADHSZCXPCAFJ!!!
Napasigaw ako nung may dumikit na malamig sa pisngi ko. May kasama nga pala ako. Dinikit nya lang naman sa mukha ko yung Chuckie na malamig. Siraulo ata 'to eh. May tumawag sakanya na babae. OMG! Ang sexy niya at ang tangkad! Paglingon ni Dwayne sakanya lumapit na 'yung lalaking to sakanya, umakbay at lumakad na parang walang kasama. Kairita siya.
Lumakad ako pabalik sa room since next subject na. Umandar yung oras na napaka bilis, sa wakas! Last subject may film showing project for finals. Horror ang na-assign sa team namin. Kung ano pinaka kinatatakutan ko, 'iyon pa yung mapupunta sa amin. Huhu!
Giselle (Team leader namin): Jaymee ano? meeting muna tayo ha. 2hours lang para maaga tayo mag start this week.
Okay Giselle!
Nag me-meeting kami nung sumilip si kuya Jiro sa room, pina-una ko na siya. Nabuo na yung place at anong eksena gagawin namin. The writer would be Giselle nalang etc etc etc. Madilim na nung natapos. Naglalakad ako palabas ng gate naka salubong ko si kuya Dustin. Teka, may bago sa itsura nya ah. Dilaw buhok nya! Bakit kaya dilaw? -_-
Kuya Dustin: Baby! Bakit ngayon ka lang? Hintayin mo ako, may kukunin lang ako sa locker ko. Sabay na tayo ha.
Ehh? Wag na kuya! Magta-taxi nalang ako.
Kuya Dustin: No, ibinilin ka sa akin ni Jiro. 5 minutes okay?
Hinintay ko lang siya sa gate, Pagod na ako. Nakaka pagod na araw. Pinatayo ako sa labas, ang daming quiz at last may film showing pa. Di pa naman ako mahilig sa mga bagay na ginagamit ang katawan hehehe mas prefer ko na utak ang gumagana kaysa pisikal.
Medyo naiinip ako ako buti nalang at may nakita akong mga pusa. Omoo! 'Di ko nga alam bakit mahal na mahal ko mga pusa eh, 'di kaya kapamilya nila ako? Hehehehe!
Pabalik na si kuya Dustin sa wakas. May bitbit siyang helmet. Kaya pala bumalik pa sa locker. Sa likod nya, nakita ko si Dwayne kasama 'yung babae sa canteen kanina. Girlfriend nya pala yon? Iba ren! 4th year ang jowa nya? Sa bagay may itsura naman siya. Konti.
Paglapit ni kuya Dustin tumayo na ako, isinuot nya sakin yung helmet tapos inayos na yung motor at sumakay na ako. Nagpaala si kuya Dustin doon sa dalawa at umadar na kami.
Kilala nya pala 'yung mga yun. Wow! Sabagay, halos lahat naman kilala ang kuya Dustin at Jiro. Kasama sila sa varsity namin eh.
Pagdating sa gate namin, ngumiti at nagpaalam na ako pero nagulat ako sa ginawa nya. Hinalikan nya ako sa noo! Hinalikan nya yung noo ko!!!
Di ako agad naka galaw. Tapos tumawa lang sya at umandar na. Napatulala ako doon. Bakit nya ginawa yon?
Pag uwi ko, kumain at lang at diretso sa room ko. Sumulat sa bestfriend diary ko at nahiga na ako. Di ako nakatulog agad kakaisip sa film showing namin at sa.. uh.. sa kiss na naganap. Binabalewala ko lang yung kasi bunso ang tingin nya sakin.
Wala lang yon jaymee. Wala lang yon..
Yung project nalang iisipin ko..
Sa bahay daw ng cousin ni giselle gaganapin yung ibang scene since parang yung 'bloody crayon' ang medyo gagayahin. Di ko nga alam anong kwento nun e. -_- Bahala na nga.. Niyakap ko na lang mga meow ko.. Inaantok na ako..
ZZzzzzzz.. ZZZZZzzzz.. ZZZzzzz..
Itutuloy..
oh wow! this is so funny :)
story worth following!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit