Balintuna (poem #11, My 30 day poetry challenge)

in steemph-antipolo •  7 years ago  (edited)

Mapanganib
Tama ang kilos at salita
Subalit ang kalooban ay salungat
Balat-kayo

Mag-ingat
Mabuti sa labas
Sinungaling sa loob
Mapagkunwari

Maging totoo, tunay
Kung ano ang gawa at ugali
Yan dapat ang puso
Katapatan

Kalooban
Masimula sa kalooban
Kusa itong lalabas sa gawa
Pag-ibig at paggalang sa Diyos

Magsumikap
Makipagtulungan sa Kanya
Maglalaho ang balintuna
Ikaw at ang grasya ng Diyos

37.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Beautiful poetry @beyonddisability, join the steemit school discord to improve your poetry writings :D :D https://discord.gg/2KJGSyU

thank you steemph.antipolo. I will