Isang araw po muli ang nagdaan
Huhubarin ko na ang maskara
Sumusuko sa Iyong harapan
Umaaming ako ay mahina
Ang gabi nawa ay maging oras
upang sa Iyo ay manumbalik
dahil kinakailangan kong bumaba sa Iyong yakap
upang harapin ang gampanin ng buong araw
Tahimik na ang mundo
Nakasara na ang mga ilaw
Mag-isa akong nandito
upang Ikaw ay makaulayaw
Ibinabalik sa Iyong lahat
Papuri at pasasalamat na tinaggap
Nagpupuri rin at nagpapasalamat
sa biyayang sa Iyo nagbuhat
Salamat po sa karunungan at gabay
dahil kung ako lang
di ko mahaharap ang buhay
Kung ako lang tiyak ako ay sasablay
Ang mga pagkakamaling nagawa
sa Iyo inihihingi ng awa
mga nahakot na negatibong emosyon
sa Iyo isusumbong
Hugasan mo muli ngayong gabi
bago humimbing sa Iyong tabi
upang bukas malinis at may lakas
haharap sa obligasyong iniatas
Ako man ngayon ay antok na antok
Pagod na pagod nais ng matulog
di man mapapanatag
hanggat sa iyo ay hindi dumudulog
Kung kaya tuwing gabi
naglalakbay pabalik sa sarili
upang suriin, linisin mong muli
dahil bukas ako pa rin sa Iyo ay magsisilbi
@tagalogtrail
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Awts na guilty naman ako dun sa message 😭😭 Sorry na Lord. Minsan wala nang quiet time andaming steemit.com time nalilimutan na kita.
Salamat sa pag mention @beyonddisability at sa isang magandang mensahe upang simulan ang aking araw 😇
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
wala pong anuman. Aking nabasa sa inyong blog na kapag may tagalog na likha kayo ay tawagin. Salamat po sa inyong panahon na basahin rin ito :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ay opo. Sobrang fan ako ng mga author po na may likhang tagalog. Tula man o kwento. Pwede ding open mic. Basta yung pakiramdam ko ay may katuturan ay matutuhan ang iba.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ganda po ng inyong adhikain :). Patnubayan po ng Diyos sa inyong nasimulan :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat @beyonddisability :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wow! tumpak. minsan talaga iba ang inuna natin. salamat sa reminder @beyonddisability
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
salamat din sa pagbabasa G. @fherdz
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit