BARYA

in steemph •  7 years ago  (edited)

pexels-photo-315785.jpeg
Pinangkunan ng larawan

" BARYA "

Likha ni: @clicker

Aking kinagisnan nuong ako'y bata pa;
Mga katagang buhat sa aking Ama at Ina;
Levy, ika'y maging masinop;
At ugaliing mag-ipon, para bukas may madukot ka.

Pagdaan ng panahon, aking nakalimutan at nawaglit sa aking isipan;
Ang bilin ni Ama na sa akin ay iniwan;
Sa kadahilanan na napakasarap mamuhay sa karangyaan;
Kanyang mga payo ay aking iniwan.

Barya, kung sila ay ituring;
Hindi alintana na ito pala ay mahalaga mandin;
Hindi ko pinahalagahan ang payo ni Ina;
Luho sa katawan ay niyakap ko na.

Pilit itinuwid lahat para kay Ama't Ina at sa aking bagong pamilya;
Kayod sa trabaho tuwing umaga para sa kanila;
Pagdating ng dapit hapon, aking napuna;
Wala na sa aking natira kundi ang mga BARYA.

Ito po ay aking munting likha para sa patimpalak na binuo ng @steemph-uae. Isa na rin po itong maituturing na maliit na handog at suporta mula sa inyong abang lingkod. Nawa ay maibigan ninyo at kapulutan ng aral.

Kung sa wari nyo ito ay nagbigay ng halaga sa inyong panahon.
Mag-iwan po kayo ng mensahe sa baba.
MARAMING SALAMAT PO.

clicker_.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

And ganda po ng tula. Karamihan po talaga satin nakakalimutan ang halaga ng pera para sa panandaliang saya.

Maraming salamat at nagustuhan mo ang aking munting kathang tula.

Omg so nice!!! So true minsan di natin pinapahalagan ang barya. Pero ika nga, ang milyon ay hindi mabubuo kung kulang ng isang barya.

Tama, pero minsan hindi natin alintana yung barya. Ang kilala lang natin eh yung mga papel o yung malalaking halaga.

Mga barya na bitcoin pwede din.

  ·  7 years ago (edited)

Ako ay nagagalak at inyong naibigan etong tula na inaalay ko para sa lahat. Maraming salamat.

Hahaha... ang ganda tol! Its have a lesson... From now on, get a piggy bank! Any coins that you have, put it there even a cent! (^_^)

  ·  7 years ago (edited)

Barya man na maituring - ngunit hindi mabubuo yaong iyong dalang salapi kundi sa baryang hawak kundi pahahalagahan.

Salamat po sa napakagandang paraan ng pagpapaalala.

  ·  7 years ago (edited)

Wala pong anu man. Ako ay nagagalak at itong munting tula ko ay nakakatulong. Marami ring salamat sa iyong pagbasa.

Madaling makalimot... lalo't para sa panandaliang rangya at saya. Masakit mahulog. Kaya naman kailangan matuto sa mga naging pagkakamali at muling bumangon mula sa pagkakalugmok.

  ·  7 years ago (edited)

Ang buhay ay sadyang nakadesenyo nang ganyan. Lungkot, saya, tagumpay at pagkabigo pero hindi sapat na dahilan para ikaw ay sumuko. Parating isipin na, ang Paniginoon na nasa taas ang nagdesenyo ng lahat - wala kang dapat ipagkabahala. Lahat eto, ay para sa ating ikabubuti. ("wink" - teka English yun ah.)

Nice! That's a circle of life 😊

Ang aking opinyon ay sang-ayon sa iyo. Maraming salamat at iyong naibigan ang aking katha.