Sa iyong mga ngiti, kamiy nahuhumaling😍

in steemph •  7 years ago 

Gusto ko ibahagi sa inyo ang isa sa achievement ng aking prinsesa😍.
Noong mga una buwan pa lng niya, hindi mo siya makikitaan ng mga ngiti sa mga labi niya. Kahit ano gawin ko, namen pagpapatawa wala kame magawa. Halos maloka na kame mapilit lang namen na siya ay mapatawa.
Hangang sa isa araw, habang hawak hawak ng kanya lolo (papa ko) nasilayan din namen an natatago ngiti sa kanya mga labi.. Iba an saya naidulot sa amin mga mukha.

IMG_1740.PNG

Halos maiyak iyak ako ng makita ko ang mga ngiti naipamalas ng aking ama. Sinong magaakala, na yung taong galit sayo dati ay iba na ang nararamdaman sa amin ngayon. Sobra tuwa an naramdaman niya ng makita niya an kanyang apo na sa kanya ay tumatawa😍

Lumilipas ang mga araw, yung dating mga simple ngiti niya ngayon ay napapahalakhak na siya. Sobra nakakatuwa, nakakaiyak, halo halong emosyon ang akin nadarama. Ganun pala talaga. Sobrang nakakaproud, yung dating simangot na simangot ngayon ay todo halakhak may kasama sipa pa.

Looking forward ako sa mga milestones pa ng aking anak.

Thankyou for reading

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

kyut bebe!💗

Nothing is better than a smiling baby :)

Such a patootieee!!!

So cute naman baby!!! Pakurot si tita :D :D :D