Titulo: Noon at Ngayon.odankiara12 (41) in steemph • 7 years ago Larawan Aking binalikan,mga panahong nagdaan Sinasariwa sa isip,aking pinagdaanan Nung ako ay bata pa,di ko makakalimutan Sa simpleng bagay lang,labis ang kasiyahan. Pag gising sa umaga,pandesal ang almusal Sa kape sinasawsaw,habang dumadaldal Suot ay sandong puti,at simpleng salawal Upang magkapera,magiipon kami ng bakal. Pagsapit ng alas otso,lalabas ako ng bahay, Aayain mga kaibigan,sa gubat kami ay tatambay, May baong galon ng tubig,at saka tinapay. Barkadang walang katulad,o kay sarap ng buhay. Aakyat kami ng puno,upang mamitas ng mga prutas, Sampalok kamatsile,atis at bayabas, Duhat saka santol,at maasim na kamias, Bastat magkakasama,ang ligaya ay wagas. Habang kinakain,mga prutas na nakuha, Di pansin ang oras,tanghali na pala Habang papauwi,walang humpay ang tawa. Aming tanghalian,tinolang manok na may papaya. Larawan Pagkatapos kumain,namahinga nang nakaupo, Tinawag ng barkada,upang simulan ang laro, Habulan tinikling,luksong baka at piko, Taguan tumbang preso,langit lupa at patintero. Walang kapaguran,takbo dito takbo doon, Mga batang walang inisip,kundi maglaro ng maghapon, Kaysaya ng buhay,noong unang panahon, Mula umaga ay masigla,hanggang dapit hapon. Kaysarap na balikan,mga panahon na nagdaan, Malilinis na ilog,akin pang natatandaan, Subalit nagbago na,ang ating kalikasan, Bihira ng makakita,malinis na kapaligiran. Mga batang naglalaro,di na rin mapapansin, DI lumalabas ng bahay,panay ang laro sa touch screen, Sa cellphone at computer,doon lagi nakatingin, Magbatak ng katawan,di nila kayang gawin. Kung maibabalik ko lang,mga panahong nagdaan, Di sanay aking sinikap,mapanatili ang kalinisan, Subalit nagbago na,ang buhay ay talagang ganyan, Gawin natin ang lahat,para sa inang kalikasan. Wag na tayong magsisihan,ginusto natin ito, Atin na lang tanggapin,kung anong meron tayo, Lahat tayo’y magsumikap,simulan ang pagbabago, Basta’t wag nating kalimutan,ang ating Diyos na si Hesukristo. Sanay inyong nagustuhan,aking tulang pinagisipan, Na kahit simple lang ,ito’y aking pinagsikapan, Sana’y inyong mapansin,aking simpleng kakayahan, Salamat sa suporta,aking mga ka STEEMIANS…. steemph pilipinas untalented literaturang-filipino steemgigs