Tatlumpong araw ng potograpiya: Numero

in steemph •  6 years ago 

Ito ang ikalabingpitong araw ng Tatlumpong araw ng potograpiya: Isang Hamon

Sinubukan kong mag-eksperimento sa pagkuha ng larawan. Natuwa naman ako sa kinalabasan.

image

Isa sa mga pinakanagustuhan ko sa pagkuha ng larawan ay ang bokeh o ang malabong background ng larawan. Kung hindi ka pamilyar sa salitang iyan, ito ay ang parang bilog-bilog sa background ng larawan. Minsan heart heat, minsan triangle, depende sa trip ng photographer. Kahit anong lente kahit ang kitlens ay mkagagawa ng magandang bokeh. Ang sikreto lang talaga ay ang settings na gagawin mo. Narito ang ilan sa mga natutunan ko para makakuha ng magandang bokeh.

  1. I-set ang apperture sa pinakamataas (pinakamababang number) na kakayanin ng camera mo. Mas mataas ang apperture, mas maraming liwanag ang sasakupin ng camera mo para sa larawan. Kailangan may liwanag. Para hindi nangangapa sa dilim. Gets mo?

  2. I-set mo ang focus ng camera mo sa kung ano yung gusto mong malinaw sa larawan. Para alam mo kung ano yung malabo at malinaw. Parang sa relasyon, ganon.

  3. Mas malapit dapat ang subject sa camera. Pwede mong i-zoom kung di mo kayang ilapit nang malapit na malapit. Ganun kasi dapat, pag gusto, may paraan. Kung gusto mong mapalapit ang malayo, effortan mo bes!

  4. Mas malayo ang background, mas masaya! Oo bes! Mas madali mag-focus kung malayo ang background. Mas maganda ang bokeh.Yung mga gusto mo malabo lang sa larawan mo, ilayo mo sa subject mo. Subukan mo. Maganda ang kalalabasan.

  5. Mas madali para sa akin ang kumuha ng matining bokeh kung steady lang yung subject ko. Mas maganda naman din talaga ang kalalabasan. Hindi yung palipat lipat, pabago-bago ng isip, mawawala, bumabalik, heto na namaaaaaan! (Aminin mo, napakanta ka.)

Pero sa panahon ngayon, marami nang cellphones ang kayang gumawa ng katulad ng larawan sa itaas. Hindi ko na kinailangang i-set pa ang appeture niyan dahil camera phone ko lang naman ang ginamit ko riyan. Marqmi na talagang kayang gawin ang cellphones ngayon.

Kung gusto mo pa ng daya, may isa pa akong tip ng pandaraya ng bokeh. Kumuha ka ng bokeh backgound sa internet. Saka mo ilagay ang subject mo sa harapan nun. Et voila! Meron ka nang magandang larawan tulad nito:

image

image

Oh, diba? Ang saya saya! Marami namang gumagawa niyan. Mayroong iba, naglalamukos ng foil tapos ilalagay sa likod ng subject. Wala kaming foil kaya di ko tinesting. May iba naman na maglalagay ng christmas lights sa likod ng subject. Wala pang paako at hindi pa september kaya wala pa akong christmas lights kaya di ko na rin sinubukan.

Ikaw ba? May alam ka pang ibang paraan para makakuha ng magandang bokeh?

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!