Ito ang ikalabing-anim na araw ng Tatlumpong araw ng potograpiya: Isang Hamon
Iisa lang ang paborito kong inumin. Kapag tinanong ako kung ano ang gusto kong inumin, ang tanong ko agad, "Meron bang kape?" Sa linya ng trabaho ko dati, naging takbuhan ko ang kape sa tuwing tinatawag na ako ng liwanag. Apat hanggang limang tasa ng kapeng barako. Walang creamer. Konting asukal. Gusto ko yung damang-dama ko yung sipa ng pait. Katulad ng kung gaano kapait ang naramdaman ko nang sinabi ng ex ko na mahal niya ang bestfriend ko.
Kapag hindi ka sanay na uminom ng kape, panigurado manginginig ka. Lalakas ang tibok ng puso mo at talaga namang matataranta ka. Huwag kang mangamba. Epekto lang iyon ng caffeine. Pero hindi rin naman iyon bago. Dahil ganyan na ganyan din naman ang feeling kapag katabi mo si crush. Huwag kang padadaig sa nerbiyos. Kailangang saktong chill ka lang. Ay oo, magchi-chills ka talaga kapag nasobrahan ka ng kape. Sa ilang tasa ng kapeng ininom ko, hindi ko pa naman naranasan ang ganoon. Pero nakita ko iyon sa kaopisina ko.
Ngayong hindi na ako nagtatrabaho, hindi pa rin naman nagbago ang paginom ko ng kape. Kasabay ng bawat kain ko, may kape akong katabi. Nagkaiba lang kasi ngayon, sa araw na ang oras ko ng inom, gindi na sa gabi. Ito ang nagbibigay sa akin ng enerhiya na sabayan ang lahat ng kulit ng anak ko habang ginagampanan ang pagiging maybahay ko.
Kaya agahan, tanghalian, merienda, hapunan may kape ako sa hapag kainan. Minsan nga kahit walang ginagawa, naiisip ko pa rin magtimpla ng kape. Hindi na nga lang barako kasi wala na ako sa opisina. Pero ganoon pa rin, black kasi ayoko ng 3-in-1.
Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan
Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord
Coffee is life talaga. Maniwala man sila o hindi. Bakit nga pala ganoon mahilig ka sa kape pero lagi kang tulog?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Grabe siya sa lagi akong tulog. Hahaha.
Sa sobrang hilig ko sa kape, hindi na siya pampagising sa akin. Wala nang epekto. Kaya tingin ko kung mawawala ang kape sa sistema ko, malamang mas marami pa ang tulog ko. Haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha baka naman magkakulay lang ang kape sa'yo ay ayos na? Kaya walang epekto haha. Siguro pagod na pagod ka lang kaya borlog ka palagi. Haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit