Ito ang ikalabingtatlong araw ng Tatlumpong araw ng potograpiya: Isang Hamon
Naghahanap ako kahapon ng mga gamit na maaari kong kunan ng larawan para maipakita ang paborito kong kulay. Napagtanto ko na halos lahat pala ng gamit ko sa bahay ay pare-pareho ng kulay.
Magmula sa tasang naglalaman ng kapeng pampagising ng aking inaantok na diwa...
Hanggang sa kuwadernong ni-claim ko sa Mercury Drug...
Pati mga basahan sa aking bahay ay berde rin. Nang ikasal ako ay sinigurado kong kulay berde rin ang motiff ko. Walang partikular na pagkaberde ang gusto ko. Kahit anong berde, basta berde nagugustuhan ko.
Nang makita ko ang mga sipit, naalala ko ang ginagawa naming magkakapatid noon kapag naglalaba ang nanay namin. Pagandahan ng disenyo ng robot na ipit. Mukhang rocket ship lang itong nagawa ko ngayon. Pero dati at may pakpak pa akong inilalagay para mas maganda ang datingan.
Nakakatuwang balikan ang mga alaala.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko gusto ang berde. Basta ang alam ko lang, masarap siya tingnan lalo kapag pagod na ang mga mata mo kababasa o kasusulat.
Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan
Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord
Congratulations @romeskie! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Award for the number of comments received
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit