Tatlumpong araw ng potograpiya: Pagkain

in steemph •  6 years ago 

Ang pinakamahalagang pagkain sa buong maghapon. Ang almusal. Dapat ito ay punong puno ng sustansiya para maging maganda ang iyong araw.

image
Napagtanto ko na wala naman palang ipinagkaiba ang tosilog ng hotel sa tosilog doon sa tapsihan sa kanto. Mas mahal lang talaga yung sa hotel. Libre lang naman ito kaya di na ako magrereklamo.

Kung ikaw ay tipikal na pinoy, hjnding hindi mawawala ang pan de sal sa iyong almusal.

image
Ang isa diyan ay may halagang apat na piso. Ang isa ay dos. Hulaan mo kung alin ang alin.

Pero kung pampagising na rin lang ang kailangan mo at nagmamadali ka, ngumata ka na lamang ng tsokolate.

image
Yung dark para may pait. Nakakagising naman din talaga ang pait.

Ito ang ikasampung araw ng Tatlumpong araw ng potograpiya: Isang Hamon


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Almusal na almusal na ako talaga. Wala pa kasing bukas na tindahan. Mamaya pa. Gusto ko iyong pagkain sa itaas mukhang masarap. Tom Jones na ako talaga.