MONDAY SHORT STORIES AND POETRY @SteemPh 10/15/2018

in steemph •  6 years ago  (edited)

Uwian na bes, may nanalo na!

Isang nakagigimbal na balita ang bumungad sa taumbayan at nagpalugmok sa kanilang pag-asa na maging instant bilyonaryo. Ang pagkapanalo ng dalawang mapalad na oportunista ng mahigit sa 1,180,622,508 piso ang sumira sa pagnanasa ng iilan sa pagtamasa sa limpak-limpak na biyaya na maipagkakaloob ng PCSO na premyo sa Ultra Lotto 6/58 Jackpot.

Ang lumabas na kumbinasyon ay mga bilang 40-50-37-25-01-45. Ayon sa aking malikot na imahinasyon, kung gagamitin mo ang sariling pera, kailangan mo tayaan ang napakaraming anim na kumbinasyon ng mga numero. Gamit ang scientific calculator, nCr kung saan ang n ay bilang ng numerong pagpipilian at ang r ay bilang ng numero sa isang kumbinasyon -- ikaw ay makakakuha ng 40,475,358 mga kumbinasyon. At kung bente-kwatro pesos kada isang taya ng kumbinasyon, ikaw ay dapat gumastos ng 971,408,592 piso para matayaan lahat ng kumbinasyon sa Ultra Lotto.

Hindi masama ang mangarap o ang maghangad ng limpak-limpak na salapi. Pero ang masama ay ang umasa na magiging instant na lamang ang biyaya na darating sa iyo at wala ng gagawin para umasenso ang sarili. Lahat tayo ay dapat kumilos nang naayon sa gusto natin na pagbabago. May kawikaan nga, "kung palagi mong inuulit ang ginagawa mo, palagi mo ring nakukuha ang parehong resulta". O sa wikang Ingles, iyon na 'yon!

"If you always do what you’ve always done, you’ll always get what you’ve always got.”

Filipino Poetry #63: Tanga

May kasabihan nga ang iilan, "lahat ay gagawin para lang sa pag-ibig". At sa tula ni @frellarong pinatunayan niya na handa siyang isakripisyo ang ilang pamantayan at prinsipyo sa buhay para lamang makamit ang pag-ibig na kanyang ipinaglalaban. Ang pagmamahal talaga ay may kaakibat na sakripisyo. Nagagawa ng isang tao magpakamartir sa pamamagitan ng pagpapakatanga sa ngalan ng pag-ibig, huwag lang siyang iwan ng kanyang minamahal. Hindi ako humugot sa bahaging iyon.


Awooo

Ang kaibigan ni @torania na si kuyog hangin ang sumulat ng tula at nais lamang niyang maipabasa ito sa iba sa pamamagitan ng paglalathala nito. Sa katauhan ng isang aswang ang paksa na ginamit sa tula. Inilalarawan dito ang kanyang kagutuman at pagkasabik na kumain. May lalim at diin ang mga salitang ginamit at mahusay ang pagkakadetalye sa hitsura ng nilalang. Masasabi kong sinumang biktima ang mapipili ng aswang na ito ay siguradong magdurusa at lubos na masasaktan.


Kwentong Kuto

Lubos akong nasiyahan sa ibinahaging karanasan ni @romeskie sa kanyang kwento tungkol sa kuto. Medyo hindi ako maka-relate dahil hindi ko naranasan ang magkaroon ng sinasabing parasitiko sa bumbunan. (Dahil na rin siguro salat sa buhok at kulang sa nutrisyon na makukuha sa aking anit.) Gayunpaman, madalas kong nakikita ang ilang mag-anak na nakaupo sa mga baitang ng hagdan at magkakasunuran na nagkukuskos ng ulo na para bang naghahanap ng karayom sa isang bungkos na dayami.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ikatlong araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayTBATBA

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!