IKAPITONG HAMON: PANGARAP

in steemph •  6 years ago 

j2dlgjq20m.png

Image Source:


Nasabi ko na namang lahat kung ano ang mga pangarap ko pero hindi ko masiyadong naipaliwag sa dati kong blog kung ano talaga ang gusto ko maging. Mga pangarap na trabaho lang kasi iyong sinabi ko rati. Ngayon sasabihin ko kung ano talaga ang pangarap ko at saka kung bakit ko talaga napili iyon. Sabihin na lang may halo itong kathang isip. Gayon pa man ito talaga ang aking gusto.

Ang pangarap ko maging ninja. Ako gusto ko talaga maging ninja bata pa lang ako, sa kadahilanang lagi ako nanonood ng mga palabas tungkol sa mga ninja. Noong una hindi masiyadong grabe ang mga naiisip ko, ngayon ay grabe na talaga hindi na talaga mangyayari sa totoong buhay ang naiisip ko. Inihalintulad ko kasi ang magiging sitwasyon sa kasalukayan at sa buhay ng isang ninja. Oo, alam ko walang ninja sa Pilipinas at walang Pilipinong ninja. Ipagpalagay na lang natin ako ang kauna-unahang ninja sa Pilipinas. Kapag naman nangyari iyon sigurado ako mapaaalis ko na mga intsik sa Pilipinas at hindi lang iyon hindi na nila mabu-bully ang Pilipinas kahit walang tulong ng mga amerikano. Isipin mo na lang mayroon akong; Sharingan, Byakugan at saka Rinnegan. Tapos marami pa akong alam na jutsu. Siyempre sa kabutihan ko gagamitin ang lahat ng mga iyan. Kailanman ay hinding-hindi ako mababahiran ng politika. Ang gusto ko lang mangyari ay mabigyan lahat ng hustisya ang naaapi at tulungan ang mga tao na mapagaan ang kani-kanilang buhay at ang higit sa lahat ang love life ko. Haha cheret lang.

Isipin mo na lang marunong ako mag-shadow clone jutsu? Habang nagtratrabaho ako, nag-aaral pa at nakatutulong pa sa iba. Kahit kailan hindi ko inuuna ang sarili ko bagkus ay ang nakararami muna. Oo, aminado ako gusto ko maging presidente pero mas gusto ko maging ninja, kasi ayaw ko harap nang harap sa media. Ayaw ko rin nakikita sarili sa telebisiyon. Ayos lang sana kung sobrang gwapo ko, e hindi naman. Kaya talaga ayaw ko sa selfie at sa video-video na iyan.

Kapag may summoning jutsu naman ako, ang gusto ko ay leon, kasi mabangis at malakas parang katauhan ko lang haha. Marami pa akong gustong mga jutsu. Gusto ko rin sanang gawin sa totoong buhay. Sasali ako sa UFC ninja ako no? Magtataka silang lahat bakit napakagaling ko at napakalakas. Hindi nila alam ninja pala. Gusto ko rin magbalibag ng kunai at shuriken, sobrang astig kasi e. Flying Raijin No Jutsu talaga ang pinaka gusto ko, kasi mamarkahan lang kita at masusundan na kita kahit saan ka magtungo haha. Isa pa gusto ko rin mag-teleport sa kahit saang parte ng mundo. Kahit sa puso mo cheret lang!

Iyan nga pala ang maiksi kong storya para sa tema ngayon ang "pangarap" para sa Buwan ng Wika. Hanggang sa muli po paalam.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!