earnforliving.online scam | Wag mo nang subukang sumali pa!

in steempress •  6 years ago 

May bago na namang website akong nakita sa newsfeed, earnforliving.online. Matapos ang post ko tungkol sa kaibigan niya na si parttimejob.online na-realize ko na okay din palang maghanap ng mga websites na pinopost sa facebook groups tapos i check ko kung scam ba o hindi ayon sa palagay ko.

 

earnforliving,online

Habang sinusulat ko ang post na ito naisip ko since wala naman akong kwento about savings, budgeting atbp. ito swak parin kay Purito. Kasi patungkol parin sa pera, pera na kahit kailan ay di mo makukuha. Parang si crush mo lang. Pero ayun na nga review muna tayo kung paano ko nasabing Scam ang earnforliving.online

Ang unang tinitignan sympre ay kung ang website ay may https:// muli indicator lang iyan na "legit" ang website pero, subalit, datapwat! hindi lahat ng mga website na meron o walang https:// ay scam na. Tanda ko yung ethrade.org na website may https:// din yun oi! Pero ayun naging scam din. Buti nalang di ako sumama sa motorcade nila somewhere in Cavite last year kundi nako nako.

 

Okay! Yung unang point X kagad ang nakuha ni earnforliving.online, scam na ba sya? Hmmm pwedeng OO, pwedeng hindi tignan pa natin ang ibang detalye.

Tignan naman natin ang picture ng homepage. Simpleng-simple lang ang laman ng homepage ha! Post ng image from google tapos pagdikit-dikitin and voila! Meron ka nang bagong website na tawag ay earnforliving.online ayos ba? Pero ito pa ang matindi, hindi original ang picture na ginamit nila at ang picture ay nagmula dito.

jobbravo.com

O diba halos parehas lang! Ay hindi pala mas mataas ang bayaran ni earnforliving.online kesa kay jobbravo.com ng di hamak. At good news yun kasi mas malaki ang bayad ni earnforliving.online kumpara sa ginaya nya. kaso may BAD NEWS din ako, si jobbravo.com ay isang SCAM na website. Hindi nagbayad, nagpa-asa, nagpa fall tulad ng nanliligaw sa iyo, nung panahong utong-uto ka na sa kanya este nag-iinvest ka na din ng feelings sa kanya tsaka sya nawala. Nawala ng parang bula at pag hinanap mo wala nang bakas kung nasaan na sya.

Pero baka naman iba si earnforliving.online kesa kay jobbravo.com diba. Ang bad ko naman kung ilalahat natin sila na magkakaparehas wag naman ganun, wag daw nating lahatin baka malay mo "IBA SIYA"

Sige na nga sabihin nating "Baka iba sya sa mga nakilala mo" pag nagkaroon ng aberya sa website saan ka pupunta may Frequently Ask Questions ba? O kaya naman ay yung mahabang Terms and Conditions o kaya naman ay Terms of Service na kahit kailan ay iki click mo lang ang "I Agree" na button. Diba wala? Wala din syang ganun bes! Ang tanging meron lang sa kaniya ay:

Send your all general queries at [email protected]
Ayan lang ang meron sya wala nang iba pa!

earnforliving.online scam

O ito pa nakalagay, all CAPS para intense, ALL RIGHTS RESERVED 2017. E pag tinignan mo ang information mula sa http://whois.domaintools.com/earnforliving.online makikita mo to:

Dates 23 days old Created on 2018-07-18 Expires on 2019-07-19 Updated on 2018-08-03
Jino joke time ata tayo nung ALL RIGHTS RESERVE na iyan e kakagawa palang sa kaniya more than 3 weeks ago. Tinalo pa ang FOREVER na 2 weeks ang timespan.

Tsaka ito pa ang pinaka matindi nyan mga tsong, bes, bro, sis at kung ano ano pang pwedeng itawag. Masyadong too good to be true ang website. Imagine sa pag register at pag refer ng links kikita ka agad at $$$$ pa! O diba ayos na ayos lang. Pero ganun na nga, in the end SCAM talaga sya. At take NOTE pinaka importante ito.

"Di naman ako naglabas ng pera dyan paano magiging scam"

Di ka nga naglabas ng pera, personal information mo naman ang nadale ano ang mas masaklap yung pera na mawawala sa iyo o yung pagkatao mo online. Di mo alam mas malaki ang mawawala sa iyo pag nabenta ang personal information mo sa mga hackers.

At one point yes parang nambabasag ako ng trip ng mga tao sa pagreregister nila sa mga ganitong website pero still wag niyo na kaming gayahin. Naging biktima na kami ng mga ganyang website, pina fall at pinaaasa, at dahil friends tayo syempre ayaw ko naman na masaktan kayo diba.

P.S. Di ko planong lagyan sa ngayon ng ads tong blog ko/ google adwords tingin ko sapat na si steemit for this blog basta sipagin lang ako talaga mag post. At nga pala welcome ito para sa mga gusto magshare ng kanilang Purito stories, anything na related sa pera at gaya nyan warning na patungkol sa scam. Yung liquid reward which is di naman kalakihan is i sesend ko sa iyo via bitcoin o via SBD at STEEM depende na sa trip mo.

Pwede mong i check ang post ko tungkol sa parttimejob.online, Englishment nga lang pero okay na din di naman nakakadugo ang English ko dun.

Okay na ako nasabi ko na ang dapat kong sabihin, kung may tanong ka or balak i na ipa check na website sige tignan natin kung magagawan natin ng paraan iyan.

Salamat sa pagbabasa at sa susunod ulit! <br /><center><hr/><em>Posted from my blog with <a href='https://wordpress.org/plugins/steempress/'>SteemPress</a> : https://puritostories.xopus.io/?p=54 </em><hr/></center>

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Pengi Po ung ndi scam😃

Hello @jho35, I'd love to research on that kaso mas madali talagang mag check ng scam sites kesa sa legit hahah.