Tagalog peotry "Liwanag"

in tagalog-poetry •  6 years ago 


liwanag

Naghihntay sumibol mula sa dilim
Sa pag-huni ng ibon sya'y paparating
Tingkad ay nagpapaganda sa tanawin
Ang kanyang sinag ay di maihahambing
Minsan sya'y lulubog nanaman
Sa bawat araw sya ay lilisan
Ngunit ang kanyang nais maisakatuparan
Init at liwanag tayo ay binigyan
Tanim ay namumulaklak
Punong namumunga ng saya't galak
Bagong pag-asa upang simulan na naman ang patak
Mga taong naghahanapbuhay at nagsusumikap
Ang liwanag na ito'y bihira
Ngunit sa araw-araw natin na natatamasa
Nakakalumitan natin ang kanyang halaga
At ang kanyang halik sa bawa't isa


src

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!