Tagalog Poetry"Lawin"

in tagalog-poetry •  6 years ago 




"Lawin"

Nais ko sanang sabay tayong mangarap na mataas
Gamit ng ating mga pagaspas
Sa ibabaw habang kumukumpas
Ang Hangin na may dalang katas
Sa nating maabot ang mga yakap ng mga ulap
Ang tanawing nakikita na kay sarap
Ang simoy ng mga puno't halaman ating nilanghap
Di matitinag sa tingkad ang tanawin
Habang kasing lapit mo ang mga bituin
Kung di mo na kayang maigagalaw pa ang iyong mga pakpak
Ako'y narito na magsisilbing mong tagapagligtas
Nang sa ganun ikay di mahulog sa ibabang may rehas
Na kung saan dati'y ika'y napintas
Na kung saan minsang nakalimutan ang tumanaw sa itaas
Hanggat may oras ay ilalaan ko sayo
Upang tuluyan ng lisanin mga nagpadilim sa mgapangarap mo
Ang pangarap mo'y maabot mo rin
Tuloy ka lang sa paglipad at yun ang sundin
At kalimutan na ang bawat hinanaing


src

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wow nice photography