Tagalog poetry "Sugat"brapollo29 (53) in tagalog-poetry • 6 years ago Sugat Sa pait lalong naghihigpit Sa sakit lalong pumapait Sa pagpikit lalong sumisikip Sa pagpilit lalong naiipit Pusong nasanay ng paghagupit Di inaasahang paglapit Sabay layo at kumapit Sa kahit anong bingit Na nagbibigay ng magandang pagsapit Ng araw nagbibigay awit Sa pusong nasugatan at namanhid Sadyang napakalupit Sa tulad ng ganitong sinapit Puot at takot ang bumatid Lungkot ang syang unang gumamit Sabay sa paglipad ng galit Ang pagpapatawad ang sadyang malupit Kahit di mo kaya ngunit Utos ng Diyos ang mananaig tagalog-poetry sugat fun blog