Tagalog poetry "tahimik"brapollo29 (53) in tagalog-poetry • 7 years ago B "tahimik" Tahimik mo man akong masasaksihan Sadyang mas gusto lang kita pakinggan Sapagkat nias kong ika'y maintindihan Upang ikaw ay tuluyan ng malaman Mga nais at ayaw Mga awit at sayaw Mga paborito na nasasaklaw Mga bagay na nabubuo na ikaw Ako'y masugid na nagmamasid sayo Kung ito'y bay nagpapasaya o nagpapalungkot Mga bagay na nagpapawala sa kumot Nawa'y huwag mong hayaan lumukot Sa ating puso at nagbigay kirot Sapagkat aking nagtanto Kapag tihimik lang ako Mas mabilis ang pagidnig ko At mas mahina ngunit malakas ang bawat bigkas ko tagalog-poetry tahimik steemit fun blog