Tagalog Poetry "Ulap"brapollo29 (53) in tagalog-poetry • 7 years ago (edited) Tagalog Poetry "Ulap" Tanaw ko ang boong paligid Sa itaas ako'y nakasilip Minsan ako'y malupit Masalimout, buhos ko'y pait Sikat ng araw sa akin nakaharap Habang langhap ko ang bawat pangarap Na ninanais ng iba maganap Kapag ako'y asul, at payapa Ganda ng araw ay umaapaw Sa gabi ako'y nakadungaw Mag kasintahan sa gabi ay napukaw Habang nakahiga sa may damo Kita-kita nasa likuran ko Palamuting bituin, na napakaamo Sa gabi na puno ng gamo-gamo Ako ang Iyong ulap Sa gabing puno ng pangarap Sa umagang punong ng hinaharap Ako'y nakatingin sa bawat Pagsubok at mga ganap Na naging daan ng mga pagsusumikap Nagbubunga ng matamis na prutas src tagalog-poetry steemit ulap