Tanging Hiling.. Simple Lang..

in tagalog •  6 years ago 

Isang hiling sa darating na pasko at bagong taon ay makapiling ang aking mga anak na nawawalay sa akin nang dahil sa aming paghihiwalay ng aking asawa.


v55lbvg0zj.png

Lit

Wala na akong lubos na ihihiling sa panginoong diyos at yun ay ang makasama sila sa dalawang importanteng araw n gaming buhay na minsan ay pinagsaluhan naming noon nung kami ay kumpleto pa. Sobrang sakit man isipin na ganito ang nangyari samin ng aking pamilya pero tanggap na tanggap ko nan a hindi na kaming muli makukumpleto. Ang importante nalang sa akin ngayon ay ang aking mga anak na gusto akong makasama pero hindi ko maibigay ang kanilang mga kailangan sa araw araw dahil sa wala akong trabaho at ngayon na meron na, ako ay magiipon at babawi ako sa lahat ng aking mga pagkukulang.

Pinapangako ko na sa darating na pasko at bagong taon, kami ay magsasama sama at hindi ko hahayaang lumampas ang pagkakataon na ito sa aming buhay. Mahal na mahal ko kayo mga anak.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!