Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Unang Bahagi ng Ikalawang Pangkat

in tagalogserye •  6 years ago  (edited)

D0AA5847-010A-4893-BADE-68864FFD6BA9.jpeg

Bilang ako ang magsisimula ng Unang Bahagi ng Tagalog serye ng ikalawang pangkat ngayong Linggo, lubos akong na pressure sapagkat ako ang ginawang panimula at kasalanan ni randomizer ito.😀 pati na rin syempre sa mga Lodi kong kasama; @beyonddisability, @jemzen at @jazzhero.

“Noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy, duon ako nahilig magbasa ng katatakutan dahil madalas wala tayong pasok.” Kwento ni Jazz sa kanyang mga kaklase habang sila ay nagsimulang magkwentuhan sa kanilang classroom.
“Ano naman ang hindi mo makakalimutan na ngyari sayo?” wika naman ni Shawn.
“Gusto nyo ba talaga?” Sabi ni Jazz na tila may pang-alinlangang ikwento ito.
“Sige na! Okay lang” sambit naman ng mga nakikinig dito.
“Sige, ganito kase yun. Isang gabi, nagbasa ako dahil wala akong magawa. Tahimik ang gabi na tila tulog na ang mga kasama ko sa apartment. Sa sobrang init, naisipan ko pang buksan ang electricfan at magtimpla ng iced tea. Sa gitna ng aking pagbabasa, tila lumamig ang aking kapaligiran na hindi ko maintindihan. Kaya naisip kong patayin na lang ang electricfan.” Kwento ni Jazz.
“Oh tapos?” Sabi naman ni Jem.
“Hangga’t tumayo na lang aking balahibo. Yung focus ko, nawala sa aking pagbabasa, ngunit nasa aking paligid. Aking pinapakiramdaman ang bawat galaw nung sandaling iyun. Sa takot ko, hindi ko inalis ang aking mata sa libro na aking binabasa. Nagsimula na akong matakot nang nakaramdam ako ng hangin na dumampi sa aking mukha. Ang ginawa ko, kumanta lang ako para ilibang ang aking sarili. Tiniklop ko ang libro at niligo ko na lang. Ang ganda ganda ng pagkakanta ko pa nuon habang ako’y nagsasabon. At nang masabon ko na aking mukha, nagtaka na lang ako bigla dahil habang nasa cr ako, parang may yapak ng paa na akong naririnig sa aking kwarto na papalapit sa cr. Tanging dasal na lang aking kinakapitan nuon, katawan ko’y nagsimula ng manginig at mangiyak ngiyak sa takot.”

“Hangga’t isang babae sa may salamin ang aking naaninag. Akala ko kulang lang ng hugas ang aking mata, kaya dali dalian akong magbuhos muli. At nang mawala ang sabon sa akin, ako’y tumingin muli sa salamin. At nagsalita ako ng “Pasintabi po, wag naman po sana ako ninyo akong takutin” ngunit tila nagkamali ako, lalung lumala sapagkat sa aking kwarto, nagsimula na akong makarinig ng kalampag hangga’t isang babaeng nakasuot ng itim, duguan ang kamay, mahaba ang buhok na malabo ang mukha ang bumulagta sa aking harapan nung ako’y palabas na sa cr. Gabing iyun ay balot ng kababalaghan na tila nagsisi ako kung bakit pa ako nagbasa nung oras na yun. Natigil ako sa paghinga, gusto kong sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas sa aking lalamunan. Buti na lang at biglang dumating ang aking kapatid at bigla ring naglaho ang babae. Magmula nuon, lumipat na ako ng apartment na tinitirahan sapagkat aming napag-alaman na may babaeng nagbigti na pala duon. Kaya pinaparentahan iyun ng mura”

Magmula marinig ni Jem ang mga kwento ni Jazz, naisipan na lang ito umuwi sa kanyang probinsya sapagkat iyun na ang kanilang huling araw ng klase. Dala ng takot, nagpasya si Jem na umuwi na lang sa Tarlac upang samahan ang kanyang lola Delia na may sakit na Dementia na tanging ang kanyang ina na lang ang nagaalaga rito. Nagiisang anak si Jem kaya madalas kapag may pupuntahan ang kanyang ina , sya ang madalas magbantay sa kanyang lola. Ngunit buhat ng ito’y nagaral sa Maynila, bihira na itong makauwi sa Tarlac. Sila ay may payak lamang na pamumuhay, iniwan sya ng kanyang ama nung ito’y sanggol pa sa kadahilanang may iba itong pamilya. Bale si Lola Delia ang nagpalaki sa kanya dahil kailangang maghanap ng trabaho ang kanyang ina sa ibang lugar. Dahil sa katandaan na rin ng kanyang Lola Delia, nagkaruon ito ng Dementia, sakit ng mga matatanda na pwede ikahantong sa Alzheimer’s Disease. Si Jem at ang kanyang ina ay simula na ring masanay sa kinikilos ng kanyang lola. Naging makalimutin man ito, ngunit matyaga at sanay na ring nagaalaga ang ina nito.

713FA807-23CC-4AF9-93AD-721101C28EFE.jpeg
Pinagkuhanan ng Imahe

Sa Tarlac..


Jem: Nay! Lola! Andito na po ako. Inay! Pabuksan po ng pinto.
Rome: oh anak! Andyan ka na pala.
(Kasabay ng halik nito sa noo)

Agad agad pinuntahan ni Jem ang kanyang lola na asa kwarto. Nadatnan nyang may hawak ito ng rosaryo at tila ito’y nagdadasal.

Jem: Lola!! Andito na ako.
(Sabik na sabik na pagkasabi ni jem kasabay ng pagmano rito)

Labis ang tuwa ng kanyang lola nang makita nya si Jem.
Delia: Ineng! Kay tagal mong nawala. Saan ka ba galing?
Jem: La, nagaaral po ako sa Maynila diba. Hindi mo na ba ako naalala? O sige anong pangalan ko?
Delia: syempre naalala kita! Sino bang di makakalimot sa pinakamamahal kong anak na babae na si Rome diba?
Jem : Lola, si Jem po ako. Apo nyo. At ako ang anak ni Rome.

At tumawa na lang ang kanyang Lola.
Delia: Hay, tumatanda na nga talaga ako. Pano naman kase, kahawig mong mabuti ang nanay mo nuong sya’y bata pa.

Hangga’t ...

Rome: Anak, maiwan ko muna kayo rito ng Lola mo ha. Punta lang ako ng palengke. Nagsaing na rin ako, kung nagugutom ka, magsabay na kayo ni lola. Painumin mo na rin sya ng gamot nya pagkatapos.
Jem: okay po Nay, magingat po kayo.

Nang makaalis ang kanyang ina, nilibot ni Jem ang kanilang bahay na tila para syang naninibago. Ikinabit ang malaking litrato ng kanyang Lola Delia sa may dingding, at nakadisplay naman lahat ng lumang litrato nila sa kanila sala. Sa may bandang kusina, agad agad nyang sinwitch ang ceiling fan, ngunit tila ito’y sira na. Sa may bandang banyo naman, tila nasira na rin ang shower kaya balde na lang ang kanilang ginagamit sa pagligo. Ang tagal bago muli nakapasyal si Jem sa bahay na iyun, dahil ang kanilang tirahan na kanyang kinalakihan ay yung bahay nila sa Pangasinan. Ngunit nagpasya ang kanyang ina na lumipat na lang sa Tarlac sapagkat anduon ang mga ala ala ng kanyang Lola Delia, na kung saan nakakatulong din sa sitwasyon nito.
Sa kanyang paglilibot, may nakita syang isang pinto, nang ito’y kanya ng bubuksan..

May narinig syang nahulog na gamit sa kwarto ni lola Delia kaya dali dalian nya itong pinuntahan.

Jem : oh Lola, ano pong ngyari? Nahulog po ang altar. Akala ko po ano ng ngyari.
Delia: Apo, nagugutom na ako. Kain na tayo.
Jem: O sya sige po. Tara na po.

Habang sila ay kumakain, tila bumalik sa katinuan ang kanyang lola. Ito’y naging pala kwento at parang naalala nya na talaga si Jem nang matanong nyang..

DFD949FB-E89C-4854-92BD-F9EBB7954819.jpeg
Pinagkuhanan ng Imahe

Delia : oh apo? Mahirap ba ang kursong kinuha mo? Kamusta ka sa Maynila?
Jem: La, ayun po. Ang hirap pero kinakaya ko, syempre kayong dalawa inspirasyon ko ni inay. (Kasabay ng ngiti nito)
Delia: alam mo apo, nuong ako’y college pa, ang hirap talaga. Naalala ko pa, ang inyong lolo ay gagawa ng sulat sa akin. Ngunit sa sobrang abala ko, naiimbak na yun sa aking kabinet at hindi ko na nababasa. O basta magaral muna ha, wag ka muna mag boypren. O sya, may boypren ka na ba?
Jem: Naku Lola! Wala pa po sa isipan ko yan. At matagal pa mangyayari yan.

At napalingon ang kanyang lola sa may bandang gilid,

Delia : oh bat mo ako tinitignan? Bat ka palakad lakad dyan. Gutom ka na ba? Tara samahan mo kami ng aking apo.

Agad nagtaka ang kanyang apo at medyo natakot ito.

Jem: lola, tayo lang po magkasama dito. Umalis po si nanay papunta sa palengke. Kain na tayo la, at papainumin na kita ng gamot mo. ( tila di malunok lunok ni Jem ang kanyang kinakain)
Delia : hindi eh, ayan sya oh! Kumain ka na rin.
Jem: hay nako lola, sige subuan na kita.

Pagkatapos ng ganung pangyayari, hindi maiwasan maging paranoid ni Jem, kaya agad nya itong sinumbong sa kanyang ina.

Jem : nay! Si lola kung ano ano sinasabi kanina, may kasama daw kami.
Rome: anak, alam mo naman si lola, may dementia at minsan sa epekto ng kanyang gamot, naghahallucinate sya. Madalas mangyari din yan pero hinahayaan ko na lang. Intindihin na lang natin si lola okay?
Jem: opo inay, pero natakot po ako kanina.
Rome: anak, wala naman multo dito. Sadyang ganun lang si lola. Wag mo na isipin.

Kinagabihan..

Hindi mawala sa isipan ni Jem ang nangyri kanina, kung ano ano ang naglalaro nito sa kanyang isipan. Hindi sya mapakali kaya naisipan nya na lang na ito’y matulog na lang sa tabi ng kanyang ina. Lumipas ang ilang Linggo, nasanay na rin sya sa kanyang lola. Yung dating pagkatakot ay biglang nawala. Kung hindi naman kasi sinusumpong ang kanyang lola, nagkwekwentuhan naman sila ng normal. Sa umaga, paliliguan nya ito, sa hapunan, pakakainin kasabay ang gamot at sa hapon naman itutulak ni Jem ang wheelchair ng kanyang lola at tatambay sa kanilang bintana at magkwekwentuhan

Jem : La, kamusta ka naman ngayong araw?
Delia: Okay lang naman ako apo, ganun pa din.
Jem: La, pag nakapagtapos, magtatayo ako ng malaking bahay para sa atin.

Bigla na lang hindi sumagot ang kanyang lola.
Jem: ayaw mo ba lola? Ay oh alas singko na pala, teka kuha ako ng gamot nyo po.

Habang kinukuha ni Jem ang gamot. Narinig na lang nya ang kanyang lola na nagsasalita.
Delia: Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay. Asaan na yung sinasabi ko? Halika lapit ka dito.

Biglang napailing na lang si Jem at di na rin nya ito pinansin. Hangga’t narinig nya ulit ang lola nyang parang umiiyak. Kaya dali dalian nya itong pinuntahan.

Jem: La, bakit po?
Delia: Apo, andyan na sya. Tinitignan nya ako ng masama. Apo.. apoo.. (napwahawak ng mahigpit ang kanyang lola sa braso ni Jem na tila takot na takot)
Jem: ito na po gamot nyo.

Habang tulog ang kanyang lola, naisip nya muli yung pintong kanyang gustong pasukan noon. Kay ito’y dali daliang pumasok sa kwartong iyon. Pagbukas nya ng pinto, nadatnan nya ang mga lumang gamit ng kanyang lola. Nagtaka syang linisan ito, kaya kumuha ito ng walis upang alisin lahat ang alikabok na nagkalat. Hangga’t may nakita syang salamin na nakabalot ng malaking kumot, agad nya itong inalis nilinisan rin ito. Nakita nya ang marungis nyang mukha sa salamin at agad na lang itong napangiti kasabay sa pagpunas sa kanyang pawis.

Pagsapit ng gabi..

Habang ito’y nakahiga sa kanyang kama, agad nyang naalala ang kanyang mga kaibigan sa maynila. Tinawagan nya mga ito. Kwentuhan duon, kwentuhan dito.

Ringgggg....
Jazz : kamusta ka na? Ang tagal mo di nagparamdam ah..
Jem: okay lang naman ako busy ako sa pagaasikaso kay lola.
Jazz: kamusta na ba sila?
Jem : okay lang din naman, kayo dyan kamusta kayo?
Jazz: okay lang din.. tsskkkkkk! Jem! Mukhang tinatawag ka. Pansinin mo yang nagtatawag sayo.
Jem: hala! Wag kangang magbiro ng ganyan! Tulog na sila dito
Jazz: hala Jem, nagsasabi ako ng totoo. Tinatawag ka...

At biglang naputol ang tawag.

Pinuntahan nya sa kwarto ang kanyang lola at nanay pero ang himbing ng mga tulog nito. Simula noon, ang dating hindi nakakaramdam na si Jem, ay unti unti na itong nakakaramdam ng kung ano ano.

3AM

873E26A4-6629-4314-A519-F0CFEC354969.jpeg
Pinagkuhanan ng Imahe

Sa lalim ng tulog nito, agad na lang syang nagising sa kalampag ng kanyang loob ng aparador na tila may gustong kumawala. Tila isang lindol ang naganap sapagkat walang tigil ang paggalaw nito. Sampung segundo ang tagal ng pangyayari at dahil duon, ito ay napabangon sa kama at pumunta sa kusina upang uminom ng malamig na tubig.

At nang buksan nya ito ang ref, agad na lang syang nahinto sapagkat sa kanyang likuran, may aninong umaninag sa ref. Nakatayo ito, tila ayaw umalis kaya nagpasya itong lumingon sa kanyang likuran. Wala naman itong nakita. Kaya tatlong basong tubig ang kanyang naubos agad sa kaba. At nang sya’y pabalik na sa kwarto, para syang tinatawag ng kwartong kanyang nilinisan, para syang hinihila na pumunta ruon. Habang ito’y naglalakad papunta sa pintuan na iyun ,

Delia :
“Mahal, halika tabihan mo ako.”
“Wag mo akong titignan ng ganyan! Maawa ka sa kanya”
“Hindi ko na alam gagawin ko, o teka bakit napabisita ka?”
“Diyos ko. Ave maria..”

Dali dalian pinuntahan nya ang kanyang lola at nabigla sya sa kanyang nakita.

Itutuloy...

Ano ang nakita ni Jem?
Iisang tao lang ba nakikita ni Lola Delia? O sadyang hallucination lang?
Anong kinalaman ng salamin?
May mas matinding karanasan pa ba dito si Nanay Rome bukod sa nararanasan ni Jem?

7F690326-B4D6-4B5D-AFF2-010DB24F886C.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hi @oscargabat, I'm @checky ! While checking the mentions made in this post I noticed that @jemzen doesn't exist on Steem. Did you mean to write @jamzen ?

If you found this comment useful, consider upvoting it to help keep this bot running. You can see a list of all available commands by replying with !help.
  ·  6 years ago (edited)

Grabe ka manong! Gusto mo talaga maramdaman ko nang bongga yung takot kaya ipinasok mo pa ako as character ng kwento. Hahahaha. Buti na lang maaga-aga ka nag-post, baka hindi ko matapos kung ipinost mo ito nang gabing-gabi. Hindi na ako ganoon ka-brave gaya ng dati e. Pero sobrang excited na ako sa idudugtong ni Jazz! ❤❤❤

Maraming salamat titser @jemzem. Oo ganun talaga, para maramdaman tagos hanggang panaginip.😁😂 alam ko naman na sisiw lang ang magiging karugtong nito kay lodi @jazzhero.

Woaaah. Mahaba pero worth it basahin. Maganda ang start ng kwento manong. Na establish agad ang katatakutan umpisa pa lang. Excited na rin aqng malaman kung ano ang hiwaga ng kwarto at ng salamin. :) Mahusay!

Salamat @chinitacharmer, ating abangan ang akda ni Jazz sa pangalawang bahagi. Siguro kelangan ko na umattend ng misa nun. 😂

  • yung nagdadalawang-isip ako magscroll down baka may bumulaga.
  • takot ako sa kahoy na aparador hahaahaha, dahil sa conjuring 1
  • daming takot
  • nice one manong @oscargabat

Haha oo nga eh. Pero true to life yung aparador e 😂 alam ko mawawakasan mo ito ng sobrang ganda BD. Yung tipong yung kilabot maiiwan sa aming imahinasyon. Haha.

  • sisikapin natin manong lodi
  • pressure talaga pag ikaw ang ending
  • whew, para @tagalogserye

Exciting ang panimula, ang saya sundan. Kaso ang bida si Jemzem, medyo naguiguilty ako pahirapan sya 😅. Paano ba ito? Haha.

Maaaring storya naman ni Jazz ang kasunod. 😂 #truetolife 😂

Yung emosyon ko talaga habang binabasa yung kwento.

Nako andyan na siya! Sino kaya yun. Atbp.

Kaabang-abang ang mga kaganapan. Isunod ko na yung kay Jazzy para di na mabitin.

Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...

Red : Ako ang hurado na binibigyang-pansin ang daloy ng kwento. Mabilis ang pacing pero na-establish naman nang maayos ang setting at ang mga karakter. Ang inaakala ko na si Jazz ang magiging biktima ng mga katatakutan ay mali pala. Maganda ang pagiging unpredictable ng pangyayari at ang sakit ni lola din, gusto kong purihin ang pagkakadetalye at pagbanggit sa hallucination gawa ng sakit.

Pinkish : Ako naman ang mas pinupuna ko ay ang batuhan ng dayalogo at ang script. Dahil panatiko ako ng mga pelikulang katatakutan at fiction, madali akong maka-relate sa kanilang binibitawang mga salita. Napansin ko na hindi normal na mga salita ang ginamit ni Jazz sa kanyang mga dayalogo. Ang deskripsyon ko sa "hindi normal" ay iyong hindi mo maririnig na ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw nilang conversation. Para sa akin, mahalagang sangkap sa pagsusulat ang pagiging akma ng dayalogo sa karakter na gusto mong idevelop o bigyan ng portrayal. Kailangan lang linisin, repasuhin at pag-inaman pa ang paggamit ng dayalogo. Hindi sa lahat ng oras ay kinakailangan may lalim.

Dark : Mas focus naman ako sa konteksto ng pagpapahayag at ang paggamit ng lenggwahe at balarila para sa ikagaganda ng kwento. Umaayon din ako sa sinabi ni Pinkish na ang dayalogo nga ay medyo naiiba. Napansin ko din ang madaming pagkakamali sa paggamit ng ilang mga salitang naglalarawan. At ang palaging sakit ng karamihan, ang ng at nang na nagiging conscious ang iba sa paggamit. May ilang mga salitang kulang at may ilang pagbabaybay na hindi mo mapapansing mali. Pero dahil doon nakatuon ang aking pansin, nakikita ko ang mga maliliit na bagay na iyon. Pero ang opinyon ko ay para din sa improvement pa ng sumulat nito.

Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng unang kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @oscargabat makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph

Wohhh! Nakalimutan kong mag exhale nung binabasa ko ang inyong mga komento mga lodi. Napabuntong hininga na lang ako nung mabasa kong pasado ang aking gawa. Salamat sa magagandang komento nyo mga lodi. Salamat din at matutulungan din ako upang makagawa ng iba pang magagandang kwento.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.