Magmula ng malaman ng ama ni Amanda ang relasyon nya kay Leandro, hindi na ito pinayagang makaalis sa kanilang bahay. Labis na kalungkutan ang nadarama ni Amanda mula nang malaman nya na ito’y papupuntahin sa Amerika. Araw araw ay lagi na lang itong umiiyak at nagkukulong sa kwarto. Wala ni isang komunikasyon sila Amanda at Leandro sapagkat animo’y cellphone nito’y kinuha ng kanyang Ama. Sa pangungulila ni Amanda, naisipan nitong magrecord na lamang sa isang cassette tape at duon nya lahat ibuhos ang pagmamahal na naudlot nilang dalawa ni Leandro. Duon nya lahat binubuhos ang nararamdaman at nais sabihin kay Leandro. Punong puno ng pagmamahal ang bawat salitang kanyang binibigkas na umaasang marinig lahat ng iyun ni Leandro.
Dumating ang isang gabi, naisipan ni Amanda na tumakas sa kanilang bahay upang tumungo sa dati nilang tagpuan ni Leandro. Sya ay umaasang makita nito ang kanyang mahal sa gabing iyun. Dala dala nito ang isang cassette tape na nais nyang ibigay kay Leandro. Nang makarating sa kagubatan, ito ay tahimik na tila kay sarap ng haplos ng hangin sa katawan nito. Pagkatapos ng ilang minuto, bigla na lang pumatak ang lakas ng ulan kasabay ang malalakas na kidlat at kulog. Agad itong nagtungo sa malapit na kubo sa kanyang kinaruruunan. Habang ang lakas ng ulan ay patuloy na tumatagaktak, tila nawawalan na ng pagasa si Amanda na makita nya muli si Leandro. Sya ay patuloy na umiiyak na nanginginig na rin sa lamig hanggang makakita ito ng lubid. Agad nya itong kinuha at naisipan na lang itong magpakamatay gamit ang isang lubid. Bago sya magpakatiwakal, ang huling kanyang sinabi ay “ MAHAL NA MAHAL KITA LEANDRO “ kasabay ng pagbagsak ng isang cassette tape na kanyang hawak hawak.
Bago pa man makapunta sila Andy , Leny at Emman sa munting kubo, naisipan nilang umupo sa kalagitnaan ng kagubatan upang sila ay magpahinga muna. “Tila iba ang aking nararamdaman sa lugar na ito, nakakatakot” sambit ni Emman. Agad na lang nagtawanan sila Leny at Andy ng malakas sabay sabing, “Wag ka ngang duwag! Kalalaki mong tao eh”. Agad na lang sumagot si Emman ng, “Ikaw nga dyan Lenny eh, kalalaki mong tao, Lenny pangalan mo! Haha”. Tuloy pa rin nagkulitan ang tatlo hanggat isang ale ang dumaan sa kanilang harapan. “Mga anak, anong ginagawa nyo rito? Umalis kayo sa lugar na ito sapagkat ito’y balot na balot ng mesteryo. Saan ba ang inyong tungo?” Tanong ng ale. “Kami po ay pupunta sa kubo banda ruon sapagkat matagal na po namin iyun di napupuntahan”, wika naman ni Lenny. Agad na lang nabalot ng takot ang mukha ng ale sapagkat alam nya ang mesteryong nababalot sa munting kubo na iyun. “Kung ako sa inyo mga anak, magsiuwian na kayo. Maraming kababalaghan ang bumabalot sa munting kubo na iyan mga anak, madalas lahat ng napaparaan dyan ay hindi na nakakauwi ng buhay lalu na’t mga lalaki.” Sabi ulit ng ale. Takot ang namuo sa mukha ng tatlo ngunit pilit pa ring pinilit ni Andy at Lenny ang kagustuhan pumunta upang di sila mapahiya kay Emman na umpisa pa lang, ayaw nya ng tumuloy. “ Sa twing sumasapit ang dilim at maulan, isang babae ang nagpapakita sa kubong iyan. Nakaputi at may mahabang buhok. Minsan, ito’y maririnig mong umiiyak lalu na pag malakas ang buhos ng ulan. Paminsan minsan naman, makikita mo syang naglalakad sa gitna ng kakahuyan na ito. Alam nyo ba? Nuong nakaraang Linggo? Dalawang magbarkada ang nawala sa lugar na ito, ngunit magmula nun hindi na sila nakita ng kanilang pamilya. Kaya magingat kayo anak. Hindi ito pananakot, ngunit isa itong babala” ang huling sabi ng ale bago ito umalis. Sa babalang iyun, tumuloy pa rin ang tatlo sa kubo.
Pagkarating sa kubo agad tumambad sa kanila ang malaking palaka sa may pintuan. Sa sobrang hirap buksan ang pintuan, ito na lang ay kanilang sinira. Sobrang gulo sa loob na tila walang nakapasok rito ng matagal na panahon. Sila ay naubo ubo sa loob ng kubo sapagkat ito ay punong puno ng alikabok. Sa may bandang dingding, may mga malalaking gagambang gumagapang at sa dakong kusina ay maraming daga na nagsisitakbuhan. Ang lugar ay sobrang tahimik na kapag may kalampag lang na marinig ay agad ka ng matatakot. Si Andy ay nagpunta sa mga sira sirang kagamitan na tila tumitingin ng mga pwede pang magamit. Mga libro, litrato, kwintas at kung ano pa. “Wow! Ang ganda naman neto”. Hangga’t pumukaw sa kanya ang isang cassette tape. Pinulot nya ito, at ito’y sinubukan sa isang radyo. Ito ay namangha sapagkat ang radyo ay gumagana pa pala. Nang ito’y kanyang papakinggan, wala itong marinig. Kaya’t sa sobrang curious nito, inalis nya ulit sa radyo at ito’y kanyang binulsa.
Pinagmulan ng Litrato
Naisipan namang maupo ni Lenny sa isang upuan. Ito ay malambot kaya’t sa pagod naisipan nyang umupo dito. Pagkatapos ng ilang minuto, sya ay nakaidlip. Habang nakapikit ang mga mata nito, nakakaramdam sya ng kakaiba dahilan ng kanyang pagkagising. Sya ay napatayo sa kanyang inuupuan sapagkat may naririnig syang yapak ng paa sa kanyang likuran. Yapak na papalapit sa kanya hangga’t sa naanigan nya ang isang anino ng babae na may mahabang buhok na tila nakaharap sa kanyang likod. Unti unti nyang nililingon ang kanyang ulo patalikod upang makita ang mukha ng babae sapagkat sa kanyang paglingon, wala itong nakita.
Pinagkuhanan ng Imahe
Agad na lamang nagsitayuan ang balahibo nito nang makita nyang gumagalaw ang kanyang sofang inupuan. Sya ay unti unting nagdasal kasabay ang pawis nitong malalaki. Sa kanyang pagdarasal, agad na lamang nahinto ang paggalaw ng upuan. At nang ito’y pabalik na kay Andy, agad na lang bumalagta ang babaeng nakabigti na nakadilat ang mata habang ang mukha nitoy di masyado makita sapagkat natakpan ng makapal na buhok. “Lenny !! lenny!!” , wika ni Andy habang ito’y ginigising sa pagkatulog. “Nanaginip ka! Ano bang ngyari sayo??” Tanong ni Andy. Agad naman sumagot si Lenny na balot na balot ng takot “Nananaginip ako ng isang babaeng ...” Hangga’t isang malakas na tili sa cr na nagmula kay Emman ang kanilang narinig . Dali dali nila itong pinuntahan ngunit biglang humarang ang upuan sa kanilang harapan.
Pinagkuhanan ng Imahe
Habang si Emman ay pilit na kinakalabog ang pintuan ng cr na umiiyak sa takot dahil nakita nya ang babaeng humahagulgul sa iyak sa may salamin. Punong puno ng luha na di maintidihan ang mukha. Hindi nya mabuksan ang pinto kaya pilit nya itong sinira upang makalabas lang dito. Kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang munting kubo ay simula ng maghasik ng lagim. Lahat ay kumakalampag habang isang iyak ng babae ang kanilang naririnig. Si Andy at Lenny at dali daling lumabas sa munting kubo. Lingid sa kanilang kaalaman nauna na palang nakalabas si Emman sa kubo. Nang makita ito sa labas, agad na nila itong sinundan papunta sa sasakyan.
Kasalukuyan
Pinagkuhanan ng Imahe
Nang makita nila si Andy sa kusina, agad na lang napabuntong hininga si Emman at Lenny. “Oh Andy!” San ka nanggaling? Alalang alala kami sayo! Naunahan mo pa pala kami! Paano ka agad napadpad dito?” Si Andy ay bigla na lang naluha at umiyak. Nang lapitan ito ng dalawa, biglang may narinig silang boses. “O Emman at Lenny, asaan si Andy?” Wika ng ama ni Andy. Agad na lang napalingon sa kanilang likuran ang dalawa kasabay ng pagkabigla. “Oh tito, magandang hapon po, Eto po sya oh” nang ituro na nila si Andy, bigla na lang nawala ang Andy na kanilang nakita. Namuo ang takot sa kanilang dalawa. Di alam kung paano ba sasabihin sa magulang nito ang pagkawala ni Andy. Hindi nila lubos maintindihan ang nangyari. Kaya’t pinaalam muna nila na si Andy ay tumuloy sa kanyang kaibigan sa kalapit bayan upang di mag alala ang magulang nito.
Sa kabilang dako
Pinagkuhanan ng Litrato
Si Andy ay napadpad sa tirahan ng ale sapagkat mula nung ito’y nadapa ay ibang kamay ang naguyod ni Lenny. Kamay pala yun ng multong babae na inakala nilang si Andy. Ito’y kinupkop ng ale si Andy na tila wala sa sarili. Sa madaling araw, sya ay magigising na lang at tatayo sa harap ng salamin at umiiyak. Hindi maintidihan ng ale kung ano ang ibig sabihin sa hawak hawak nyang cassette tape dahil hindi nya ito mabitaw bitawan. Sa sobrang takot ng ale, pinilit nyang hanapin ang bahay nila upang sya’y ibalik. Tila nag iba ang katauhan ni Andy magmula ang pangyayari sa munting kubo.
Sa bahay nila Andy..
Pinagmulan ng Litrato
Tila naninibago ang kanyang pamilya sa ikinikilos nito kaya napilitan na tawagin ng mga magulang nito sila Emman at Lenny upang manirahan sa bahay nila. Pilit nilang kinakausap si Andy subalit ito’y tulala at walang imik. Tanging tango lang ang naibibigay na sagot sa kanila. Isang gabi, habang tulog na ang lahat, agad narinig ni Emman si Andy na umiiyak sa kanyang kwarto. Dali dali nya itong pinuntahan, niyakap nya ito ng mahigpit. Sa pagkakayakap nito, ang umiiyak na Andy ay biglang natigil. Labis ang takot ni Emman sa oras na iyun sapagkat hindi nya naiintidihan ang pangyayari. Tumayo sa Andy at naglakad ito ng deretso patungo sa kanilang sala. Bigla nyang tinuro ang radyo. Sa sobrang takot ni Emman, dali dali itong tumakbo sa kwarto at pilit ginigising si Lenny. Nang magising nya ito, agad agad silang pumunta sa sala. At sila ay nabigla na lang nang makita si Andy na sobrang pagkahimbing ng tulog sa kanyang kwarto.
Itutuloy ..
Ano kaya ang ngyari kay Andy?
Ano ang nais nyang iparating?
Ano ang mayroon sa cassette tape na natagpuan bakit di mabitawan ni Andy?
Salamat sa pagbasa!😊
PROMPTS:
Story:
"Isang gabi, tinahak ng isang grupo ng mga estudyante ang kakahuyan (forest) matapos makinig ng isang natagpuang cassette tape."
Obstacles:
"Isang karakter ang palagian na lang nakatuon ang isip sa mga maling bagay."
"Isang karakter ang takot mahusgahan."
Moments:
"Ang ilan sa mga karakter ay nagkaron ng malalim na usapan habang nasa kagubatan."
"Ang isang karakter ay aksidenteng nailigtas ng isa pang karakter."
Tema
HORROR + ROMANCE
MGA KASALI
Unang pangkat:
@jemzem - Wednesday
@twotripleow - Thursday
@czera - Friday
@beyonddisability - Saturday
Pangalawang pangkat:
@romeskie - Wednesday
@oscargabat- Thursday
@mrnightmare89 - Friday
@iyanpol12 - Saturday
Ang hirap magbasa habang tinatakpan ang mga nakakatakot na picture! Nakakatakot at nakakakilabot ito Manong! Buti na lang talaga umaga ako nagbasa. Hahaha.. napakahusay manong. Kahit biglaan lang ang pagkakahatak sa iyo para magsulat.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha. Salamat ate @romeskie! Nagustuhan ko ang tema , kapanakapanabik kaya’t hindi na ako tumanggi sa inyong imbitasyon.😁
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ay grabe manong Oscar, sobrang nagustuhan ko ang horror scene sa loob ng bahay kubo. Maganda ang pagkakalahad at deskripsyon na ibinigay mo sa bawat pangyayari. Para talaga akong nanonood ng horror movie. Maganda ang photographic scene na tunatakbo sa aking utak habang binabasa ko ang iyong akda.
Pasok na pasok sa tema ang development ng kwento, horror at romance. Gusto ko na rin malaman ang laman ng tape at kung bakit nagmumulto si Amanda. O siya nga ba ang multo? O may iba pa?
Kapanapanabik din ang karugtong ng kwento gaya ng sa kabilang pangkat. Mahusay po manong! ☺👏
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat Ma’am @chinitacharmer, ngayon lang po nakapagsulat ng katatakutan. Sobrang ganda po ng tema ngayong Linggo. Kaya’t nakakagana ang magsulat. Alam ko naman na masusundan iyun ng mas kapanapanabik ni @mrnightmare89.😁
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maganda nga ang tema. Something na di pa nagagawa sa nga nakaraang edisyon. 😄 Naniniwala rin ako kay @mrnightmare89, kaya naman excited na akong mabasa ang karugtong ng kwento. ☺
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
grabe ang ganda ng storya, nakakahiyang sundan ka lodi. Andaming storyang dapat maintindihan, resteem ko to para maintindihan ko.haha
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha malamang sayo ang climax dito. 😂 Goodluck lodi.👌
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
grabe, ang sarap basahin.
Astig ng flow.
Malinis ang pagkakagawa
Walang plot holes.
Lodi ka talaga manong @oscargabat
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat BD. Bahala na ang mga susunod na lodi kung ano kahihinatnan ng kwento.😆
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
malakas ang laban nito para sa olodi ng linggo
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @oscargabat! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit