RE: Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Ikalawang Bahagi ng Ikalawang Pangkat

You are viewing a single comment's thread from:

Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Ikalawang Bahagi ng Ikalawang Pangkat

in tagalogserye •  6 years ago 

Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...

Red : Pakiramdam ko naroon ako mismo sa bahay at isa ako sa mga multo na nagmamasid. Multong hindi nanakit o nagpapakita kundi nag-aantabay lang sa kung anuman ang magaganap kay Jem, kay Lola at sa iba pang tauhan. Muli ay natangay na naman ang aking kamalayan sa isang mundo na punumpuno ng substance, emosyon at deskripsyon. Kaugnay na yata ng pagkatao ng manunulat ang kahusayan sa paglalarawan kahit sa pakiwari ko ay mahirap mailarawan ng may akda ang kanyang sariling likha. Para sa akin, isa itong obra na pwedeng tangkilikin ng masa. Siksik sa impormasyon at sagana sa detalye. Malaking puntos din sa daloy ng kwento. Napapapalakpak ako habang binabalikan ang mga eksenang nagustuhan ko.

Pinkish : Scriptwriter ka rin ba? Ito ang mga linyahan na hinahanap ko. Gusto ko i-quote iyong

"Gusto mo makurot sa singit, aber?"

"Lola naman hindi na mabiro."

"Kayo talagang kabataan ang hilig nyo pagkatuwaan ang mga sinasabi ng matatanda. Pag sinaway kayo, lagi na lang kayong hindi nakikinig. Sising alipin kayo sa huli. Halina kayo't dito makinig may kailangan akong sabihin sa inyo." Litanya ni Lola Delia. Hindi masyado inisip pa ni Jem ang paggamit ng kanyang Lola ng kayo at inyo kahit isa lang ang kausap nito.

Well, wala na akong ibang masasabi dahil sobrang napahanga talaga ako. Wala rin akong mapuna na mali. Siguro magiging masyadong panatiko ako kung iisa-isahin ko pa ang magagandang puntos. Sapat na ang nasabi ko. Exceptional ang skills mo sa scriptwriting.

Dark : Eto na yata ung parte na inaabangan ko, ung magpapanggap na ang mga multo na sila ung mga karakter sa kwento. Eto talaga ung mga kwentong gusto ko rin isulat at gusto ko ring gamitin na eksena. Lalo na ung kung paano papatunayan ng totoong tao na siya talaga ang tunay at hindi multo. Gusto ko rin purihin ung mga naka-bold na mga pangungusap. Doon napopokus ang atensyon ko. Parang nabibigyan ako ng katanungan at paminsan-minsan hint din sa kung ano ang i-eexpect ko na mangyari sa kwento.

Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng ikalawang kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @jazzhero makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

💓💓💓Nakakataba ng puso at ang iyong komento kung sino man ang katauhan sa likod nyong mga huradong - Red, Pinkish at Dark (tawang-tawa pa rin ako sa naming ninyo 😂). Inaabangan ko talaga ang komento mo matapos ninyo matapos ko mabasa ang mga naisulat ninyo kahapon.

Na-apperciate ko ang effort ninyo na suriin mabuti ang aming mga akda. Alam kong mahirap ito sa parte ninyo pero malaking tulong ito sa manunulat para mas mapabuti pa ang aming mga gawa. Salamat!