Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...
Red : Narito na tayo sa parte ng kwento kung saan lumalala na ang sitwasyon. Ito ang climax na inaabangan ko. Medyo hindi pa ako handa sa mga kasagutan at napunan ng manunulat ang pagpapanatili ng katatakutan sa kwento. Lalong umangat ang antas ng aking kyuryosidad dahil sa naiwang mga katanungan na sabi ko nga, ayoko pang mabigyan agad ng kasagutan. Lalo akong pinasasabik ng kwento na ito. Sana naging limang myembro na lang para humaba pa ang kilabot na kailangan maramdaman.
Pinkish : Walang masyadong dayalogo pero nangungusap ang mga karakter base sa kanilang mga galaw at POV. Pansin ko agad ang kahusayan ng may akda sa scriptwriting dahil sa “N-nay…” at ang madalas na paggamit ng ellipses. Napuna ko rin ang paggamit ng stream of consciousness na bibihira mong mababasa sa mga bihasa sa pagsusulat ng kwento. At effort din ang paggamit ng apostrophe sa 'yon, n'on at sa iba pang mga salita. Dahil kung gagamitan ng salitang balbal, convenient ang paggamit nila ng un at nun. Plus points sa akin ang disiplina sa pagsusulat at ang pagsunod sa pamantayan ng wikang Filipino.
Dark : Sa panimula pa lang, nadala talaga ako sa paglalarawan ng may-akda. Iyong parte na inilibot ni Jem ang mga mata, nagtataka at naguguluhan kung ano ba ang nangyari. In character talaga si Jem, si Lola na weird pero siya lang ang tanging makakasagot sa mga katanungan at pati na rin ang ina. Ang linis pati ng pagkakasulat. Wala kang mahahanap na butas kung bakit biglang naging ganoon ang pangyayari. May paliwanag kung bakit nangyari pero walang kasagutan kung bakit kailangang mangyari. Sa tingin ko pupunan ng huling manunulat ang mga kasagutan. Bilib din ako sa pagproofread ng awtor. May typo ba kayong nakita Sir Red? Ma'am Pinkish? Parang ako kasi wala. Hindi naman typo error din ang hinahanap at pinagtutuunan ko ng pansin pero makikita mo din kasi ang kahandaan ng manunulat at disiplina niya base sa kabawasan ng kamalian sa naisulat niyang akda. Teka, parang ginaya ko lang yata mga sinabi ng dalawang hurado?!
Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng ikatlong kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @jemzem makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph
Grabeeeeeeeee! Ngayon lang ulit ako nakatanggap ng ganito kahabang comment. Mahaba at malamang-malaman na comment! 😭😭😭😭😭
Kinikilig talaga ako nang bongga! Dati pa, isa sa mga gusto ko bilang kontesera sa iba't ibang patimpalak sa pagsusulat ay ang makatanggap talaga ng komento, mapa negatibo man o positibo. At sobrang saya ko nang makitang napakahaba pa ng comment n'yo. Maraming salamat, mga hurado! ❤❤❤
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit