RE: FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE XI [R-18]: IKALAWANG BAHAGI NG UNANG PANGKAT "DINUGUAN".

You are viewing a single comment's thread from:

FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE XI [R-18]: IKALAWANG BAHAGI NG UNANG PANGKAT "DINUGUAN".

in tagalogserye •  6 years ago 

Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...

Red : Madaming katanungan ang naglalaro sa aking isipan habang binabasa ko ang kwento. Isa-isahin ko para mabigyang linaw din ng inyong pangkat. Una, saan galing ang labaha na dala-dala ni Ineng? Parang out of nowhere bigla na lamang siya may dalang labaha sa hindi natin malamang kadahilanan. Pangalawa, sa ginawa ni Ineng sa kambing, malamang napuno ng dugo ang kanyang kamay at maaaring magkaroon ng talsik ng dugo ang kanyang damit. Hindi man lamang ba napansin ng mag-asawa ang mga dugo na iyon? Pangatlo, Gore ba ito o Porno? Lumabas ang husay sa paglalarawan at pagdedetalye ng manunulat sa parteng porno ng sulatin. Taliwas sa paglalarawan at deskripsyon niya sa kwento ni Ineng habang pumapatay at nagbibigay ng palusot. Parang sinaniban ng diablo ang manunulat dahil humusay siya at gumaling sa parte na iyon ng sulatin. Paumanhin sa pag-ubos ko sa inyong oras sa pagbabasa ng aking komentong sakdal-yarda ang haba.

Pinkish : Medyo na-out of character nang bahagya si Ineng. Or baka ang gusto talaga palabasin ng pangkat na ito ay may multiple personalities si Ineng. Actually, makatutulong ang paggamit ng tandang padamdam sa linya ni Ineng na "Ang saya-saya, ang saya-saya" dahil ako mismo, hindi ko naramdaman ang saya sa ginagawa niya. Hindi na ganoon kadescriptive tapos kulang pa sa tamang emosyon. Pati na rin sa dialogue ng madrasta. Mas mainam na may exclamation point din. Um-over lang ung part na rape scene ba iyon o psx? Parang naiba yata ang pagkakaintindi ko sa theme na Gore. Pero aaminin ko, mahusay kang magsulat kapag rape scene. Detalyado at maganda ang paglalarawan.

Dark : Sang-ayon ako sa sinabi ng dalawang hurado. Masyadong descriptive at factual ang rape scene. Para akong nagbasa ng tabloid. Punahin ko lang ang napakaraming typo errors at kakulangan sa tamang punctuation marks. May puntos sa akin ang tamang punctuation, hindi sapat na punctual ka lang. (O 'di ba may bitaw din ako?!) Mahaba pa ang oras at masanay tayong basahin at i-proofread nang bahagya ang ating gawa bago ito isumite. Para na rin sa improvement sa mga susunod pang sulatin. At isa pa, limitahan sa apat o limang pangungusap ang nasa isang paragraph. Masyado yata na-excite sa rape scene kaya tuluy-tuloy na ang sulat. Kailangan din putulin talaga. Last, may mga hindi dapat i-capital letters sa mga dialogue. Ako na ang pupuna sa hindi mo nabanggit ma'am Pinkish. Pagkatapos ng linya, dapat nasa lowercase ang susundan nito. Overall, sanayin ang sarili sa paglilinis at sa tamang format. Maganda ang kwento, may mga dapat lang paghusayan pa.

Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng ikalawang kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @twotripleow makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!