Imahe galing sa Ragnarok online - Creative Commons License
Ang Olodi ng Tambayan ay isa mga pinakamimithing parangal ng ating mga katropa. Bakit kamo? Hindi naman dahil sa bragging rights at lalong hindi naman dahil sa papremyo. Mallit lang po ang SBD na reward 😅 Para lang po talaga sa banner ang labanan. Etong artikulo po na ito ay ginawa para maitampok ang ating pinakabagong Olodi na syang pinagbotohan ng mga katropa sa Tambayan discord. - Junjun
Girl power! Sa magkasunod na linggo, babae muli ang itinanghal na Olodi. Isa sya sa mga pinakamakulay na tao sa tambayan. Maraming titulo, maraming talento. Sa bawat post nya, palaging may bagong rebelasyon. Kailan lang napagalaman kong medyo adik pala sya sa Ragnarok dati.
Panalo sakin ang kanyang mga hugot. Ang mga kwelang jokes at patawang kwento. Pati na rin ang kanyang mga sari-saring sharing sa buhay, mula recipe at iba-ibang ganap nila ng kanyang pamilya.
Pero higit sa lahat, pinakatumatak sa akin ang kanyang pagka-masipag (o baka guni-guni ko lang) at ang pagmamahal nya sa kanyang pamilya (eto sure ito). Tara at mas kilalanin pa natin ang Bayaning Puyat ng Tambayan, na si Rome a.k.a @romeskie.
Pangalan : Romeline Razon
Nickname : Lyn sa mga magulang at kamag anak, Enilemor/ Enil sa mga hs at college friends dahil sa commercial ng Coca cola dati, Rome sa mga matured audiences. Este sa mga friends ko from 2006 onwards.
Lugar : Sa manila ipinanganak at nagkaisip (hindi naman kasi ako lumaki kaya nagkaisip na lang), sa Taguig bumuo ng sariling pamilya
Impluwensiya sa pagsusulat : Dan Brown (sinusubukan kong gayahin ang galing niyang magpa-excite ng readers), Bob Ong sa mga malalim niyang paghugot sa mga normal na sitwasyon, Rose Tan ng Precious Hearts Romances sa galing niyang magpatawa, si Martha Cecilia ng Precious Hearts Romances, ang detalyado niya maglahad ng mga bagay bagay sa kwento niya, si JK Rowling, ang taba ng utak niya sa pag imbento ng mga salita para sa mga storyang pantasya at si Ambeth R. Ocampo na akala ko ay babae yun pala ay lalaki sa galing niyang mag research. nang dahil sa kanya ay mahal ko na si Jose Rizal.
Genre ng sulatin : ngayon ko pa lang nadidiskubre kung anong genre ako pero noong elementary ako, inilagay ako ng journalism teacher ko sa feature writing. Dahil sa tagalogserye, natuklasan kong bukod sa paghugot ay marunong din pala ako sa pantasya, komedya, aksiyon at misteryo.
Paboritong kulay : green - kaya minsan pati utak ko, green na rin
Paboritong pagkain : wala in particular.Pero comfort food ko ang dark chocolate. pwede na ba yun?
Paboritong inumin : coffee. Yung black. Ayoko kasi ng masyadong matamis, nauumay ako. Gusto ko yung merong pait.
Paboritong hayop : dogs
Kung magiging hayop ka, ano ito at bakit? : dog. para favorite ko na rin ang sarili ko.
Paboritong superhero : Sa local, si Captain Barbell at si Darna. kakakilig sila. Sa international, si wonderwoman at si Thor at si Superman. idadagdag ko na rin ang villain na favorite ko. Si Loki. kasi mahal na mahal ko siya. hahaha
Paboritong musika : Depende sa yugto ng buhay ko. Sa ngayon ang pinapakinggan ko ay Twinkle Twinkle Little Star, Row row row you boat, Itsy Bitsy spider at lalong lalo na ang Baby Shark dutdutdudut.
Paboritong puntahan kapag summer : Beach talaga dati eh. Pero ngayon, makalabas lang ako ng bahay, ok na. pero kasama pa rin siyempre ang Baby Aya ko.
Paboritong puntahan kapag tag-ulan : Sa bahay lang. Pag natripan ng anak ko, lalabas kami para maligo sa ulan.
Kung isasapelikula ang buhay mo, sino ang gusto mong gumanap? : Si Alessandra de Rossi kasi cute siya, parang ako. hahaha. O kaya si Nadine Lustre para si James Reid ang gaganap na tatay Ritsard. ayhieeeee!!
Ano’ng pamagat ng pelikula ng buhay mo?: Ang Alamat ng Vavaeng Marangal double with Kahigin mo, Tutukain ko
ganyan kasi ang mga pelikula sa mga movie house noon. Dalawang pelikula lagi.
Paboritong flavor ng sorbetes : Rocky Road.
Paboritong cartoon character : Peter Pan at Tinker Bell
Kung makakapunta ka saan mang panig ng mundo, saan ito at bakit? : Sa Neverland. Gusto kong makalipad. haha.. Pero yung seryoso dito lang ako sa Pinas. Ayokong lumabas kasi ng bansa hangga't hindi ko pa nakikita ang lahat ng magagandang lugar dito sa atin.
Pangarap na trabaho : maging housewife. Mas nais kong maging alipin ng mga taong mahal ko sa buhay kaysa bayaran ng mga employer na ni hindi man lang ako kilala. Mas masaya rin kasing masubaybayan ang paglaki ng anak kaysa sa paglaki ng isang kompanya.
Paboritong libangan : Dati maglaro ng Ragnarok at DOTA. Ngayon, makipaglaro sa isang chikiting na pilit akong pinagkakasya sa maliit niyang kabayo. Magsulat para sa steemit. haha
Magbanggit ng isang bagay na kinaiinisan mo : Pagsisinungaling
Pinaka-kakaibang pagkain na natikman : Hindi ako adventurous pagdating sa pagkain kaya ang pinaka kakaibang matikman ko lang ayon sa naaalala ko ay milk tea. Adobong itik din pala at priting palaka.
Magbanggit ng isang normal na bagay na wirdo sa pananaw mo : high heeled stilleto shoes pati na yung mga pointed shoes ng mga babae. Hindi ko maintindihan kung bakit tinotorture nang ganoon ang mga paa ng mga babae tapos magpapa foot spa kasi sobrang sakit daw ng paa nila. hahaha
Gusto mong matulad ang buhay mo kay : Jose Rizal. Isa siyang visionary at talagang may mga ginawa siya para masakatuparan ang mga vision nya sa buhay.
Pinakaunang ginagawa mo sa umaga : I-check kung anong oras na.
Lugar na pinaka-ayaw mong mapuntahan : Mga lugar na hindi ko naiintindihan ang lenggwahe (baka ibenta nila ako nang hindi ko nalalaman, hindi ako makahingi ng komisyon)
Paboritong gulay : Malunggay
Paboritong prutas : chico
Magbigay ng isang sitwasyon na kinatatakutan mo : Ang makalimutan ng mga taong minamahal ko
Magbigay ng isang bagay na kinaaadikan mo : Facebook. Kaya binawasan ko na ang FB time ko. Lahat ng sobra ay nakakasama.
Larangan na gusto mong sumikat : Pagsusulat ng mga kwento
Pinaka-ayaw mong trabaho : security guard - maghapong nakatayo, magdamag na makikipaglaban sa antok habang nakatayo, 12 hours ang shift
Pinakamasakit na salita na kaya mong bitawan : Wala na akong pakialam sayo!!! (tatlong exclammation points para intense)
Magbanggit ng isang bagay na pinapangarap mo : Ang manirahan sa isang maliit na bahay sa gitna ng malawak na hardin, may taniman ng prutas at gulay sa buong paligid ng bahay, abot kamay lang ang lahat ng mga pangangailangan, hindi alipin ng salapi at oras.
Menasahe sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas : Nasan na ang pangako mo noong sinusuyo ako? Anong tamis, anong lambing binibigkas ng labi mo. Char lang. Pakiss nga rin po
Larangan na masasabi mong hindi mo kaya : Computer Programming
Kung magkakaroon ka ng tindahan, ano ibebenta mo at bakit? : Notebook at aklat (sabihin mo nang paulit ulit yung notebook at aklat) haha... samahan mo pa ng ballpen, lapis, at kung anu ano pang school supplies. Gusto ko kasi yung amoy ng bagong notebook. sisinghutin ko nang walang humpay ang mga paninda ko
Gamit sa makabagong teknolohiya na gusto mong magkaroon : mirrorless camera. yan ang sunod kong target.
Paboritong iluto : Tinola. Napaparami ng kain ang anak ko pag yan ang ulam
Kung mapapadpad ka sa isang isla, magbigay ng isang bagay na kailangang-kailangan mo : Gusto ko sana ng samurai para pang hiwa na ng mga bagay bagay, pang self defense ko pa baka may mga masasamang loob o mga mababangis na hayop na andoon. pero pwede na rin kahit yung swiss knife lang.
Kung tatakbo ka sa eleksyon, ano ang slogan mo? : Huwag niyo akong iboto dahil sa totoo lang, ayoko pong manalo
Magbigay ng isang produkto na gusto mong gawan ng patalastas : Baby products. Tapos si Aya ang gagawin kong mowdel.
Pambihirang talento na kaya mong gawin : Kapag galit ako, kaya kong magpanggap na pader ka kahit nasa harapan na kita.
Kinatatakutan na costume kapag halloween : yung babaeng nakaitim sa insidious.
Paksa na pwede mong ituro : MS Excel basics with shortcut keys tutorial, Home Economics, Motherhood 101 (from pregnancy do's and dont's, to breastfeeding), Tamang paghugot sa buhay, paano mag move on
Paboritong suotin : Tshirt, pantalon at chuck taylor na hi-cut
Bansa na nais sakupin : South Korea. Ipapabalik ko lang sa kanila ang Philippine server ng Ragnarok
Kung magiging superhero ka, anong kapangyarihan ang nais mo?: Mind control at mind reading (para masigurado kong nako-control ko nga ang mga minds nila)
Pangyayari sa nakaraan na gusto mong balikan : Yung panahong malinis pa ang ilog pasig. Pepektusan ko yung mga sinaunang tao na nagsimulang magdumi nito.
Award na gustong mapanalunan : Ang maging Olodi! Salamat mga katropa kasi natupad na. Ang isa pang award na gusto kong makuha ay ang magiging ulirang ina ng taon. Mamahalin ang reward nun. Isang napakalambing na yakap at malaway na halik mula kay baby Aya ko.
Mensahe sa mga nais magsulat : Huwag kang mahihiyang magsulat. Kung iniisip mong wala kang talento o hindi ka magaling, lahat ng magagaling na manunulat ay nagsimula lang sa imahinasyon. Paganahin ang isip, palawakin ang kaalaman. Magbasa ka para marami kang makitang mga estilo. At kapag may nakikita kang mga magagaling nang manunulat, wag ka rin mahihiyang magtanong (kung may ritemed ba nito). May mga manlalait ng gawa mo, gawin mong inspirasyon para mas lalo pang galingan. Kapag tingin mo mahihirapan ka sa gusto mong isulat, push mo lang. Yun ang magpapagaling sa iyo magsulat. Yung mga challenges. Ang mahalaga, maging masaya ka sa ginagawa mo at gawin mo ang makapagpapasaya sa iyo. :-)
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nakakatuwa aman pu basahin ang tungkol sa iyo sis @romeskie. Pinaalala mu ulit saken ang amoy ng bagong notbuk. Lablablab
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha. Di bale. Pag dumalaw ka sa tindahan ko ng notebook at aklat, libre singhot ka ng misang oras @lingling-ph. Haha..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
@junjun-ph masipag talaga ako. Kahit nga umuulan, pumapasok ako sa opis. Hahaha.. salamat sa super duper uber uber kyut na banner! Lablablab ko talaga!!!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Walang anuman. Masaya ako at nagustuhan mo ang banner 😊
At salamat din sa paglinaw, ayan sure na din ako na hindi ko imahinasyon un pagiging masipag mo hahaha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Muntik na masira ulo ko sa mga nabasa ko. Hindi ko alam kung bakit haha. Ang pinaka nagustuhan ko ay iyong Samurai haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha. Grabe siya oh. Astig yun pag may samurai ka sa isla. Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hang kyut ng bebe mo @romeskie
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha. Salamat! Siya mga pala si Templar Assasin sa DOTA. Haha. :-)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit