DALAWAMPU'T LIMA

in tagalogtrail •  6 years ago  (edited)

image

Siyam na libo, isang daan at dalawampu't apat.
Aabot kaya sya?

Mga bilang na makapagpapaalala ng lahat ng hirap at sarap, ligaya at lumbay, tagumpay at pagkabigo.

Isang libo siyam na daan at siyamnapu't tatlo.

Simula sa pagmulat ng kanyang mga mata, hanggang sa nalalapit na pagpikit nito.

Nagsimulang makita ang mga hindi maipaliwanag na bagay, hanggang sa maintindihan na hindi patas ang mundo.

Mula sa mga tinig na naririnig ng pabulong habang unti-unting isinisigaw ang mga nakabibinging tunay na salitang sabay bumuo at dumurog sa kanyang pagkatao.

Isang libo, siyam na daan at siyamnapu't apat.

Unang hakbang, mga ngiti at pangambang namutawi kanyang mga labi habang walang pagaatubiling hinarap ang kauna-unahang pagsubok sa buhay.

Isa, dalawa, tatlo.

Sa ikapat ay bumuwal ang mahinang mga tuhod. Muling nasugat sa parehong lugar, parehong parte ng katawan, at parehong pagkakataon.

IX•X

Muling bumangon pagkat alam nyang simula pa lamang ng hamon. Pinilit kumapit sa tapang na nakabaon. Nagpatuloy. Natutong tumakbo.

Tumakbo papalapit sa inaakalang tropeyo.
Tropeyong nagluklok sa kanya sa tuktok ng pedestal kung saan hindi dapat sya naroroon.

Tumakbo papalayo sa mga mapanghusgang mata na walang salitang inilalabas ngunit kayang magpabagsak sa kanyang kompyansa.

Dalawang libo at labingwalo

Alam nyang hindi dapat sya magpalugmok sa sariling demonyo. Marahan nyang iniangat ang sarili, pinatutunayan na karapatdapat kung saan man sya naroon, nagpapasalamat sa mga taong handang tumulong.

Mga bibig na nagsasabing hindi pa katapusan ng mundo. Mga salitang handang gumabay sa marupok nyang mga karanasan na sya rin namang magpapatibay sa kanyang hinaharap.

II•XIII

Mayroon na namang mga bulong. Malalalim na tinig mula sa kaibuturan ng kanyang isip. Akala'y napagtanto na ang maling iniisip. Muling tinutulak na gawin ang hindi dapat. Tatapusin na ba nya ang paghihirap?

Labing Isa at Limampu't Siyam

Isa na lamang. Isang minutong paghihintay.
Kung siya ay magtagumpay, ito na ang huling salaysay.

Siyam na libo, Isang Daan at Dalawampu't Lima.
Umabot kaya sya?




Scheduled post
Written 8:26
Image added 22:19




new.png

87E928C1-A498-4EA2-BE51-88AB4A5E83AF.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang hirap naman nito @czera. Nakakakaba. Ano ang binibilang mo? Sana madugtungan yung bilang mo ng dami ng mga nagmamahal sa iyo. Yung bilang ng mga taong napapangiti mo. Yung bilang ng taong nag-aabang sa susunod na isusulat mo.
Sana ang pakinggan mong mga salita ay yung nasa Dalawang libo at labingwalo. Kaai yun ang totoo.

At lagi mong isipin na kahit ilang beses ka pang matumba, kahit pa sa parehong lubak pa, o sa parehong parte o sa parehong dahilan, ang mahalaga ay kung paano ka bumangon muli. Ang mahalaga ay hindi ka natakot na sumubok muli.

Ibuhos mo ang enerhiya mo sa paglingon sa parte ng buhay mo kung saan naroon ang pag-asa at pagmamahal. Dahil kailanman ay hindi iyon mawawala. Matatabunan ng lungkot at pighati pero naroon lang iyon. Hindi mawawala.

Usap tayo. Lagi kong ipaaalala sa iyo na ikaw ay mahalaga.

Lika rito para naman mayakap kita. 😚🤗❤

Hugsss bunso. 😍😍😍

Lapit na bday mo baby gwaps? Mag 25 ka na. Haha. Still very young, malayo pa sa lagpas kalendaryo. Madami ka pa ma experience na wonderful things, kaya for sure aabot ka sa 9125th. 😍

Ang ganda nito bunso. Bahagyang nag dugo ang ilong ko. Haha. Galing galing talaga. 😃


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
@c-squared runs a community witness. Please consider using one of your witness votes on us here

MERON BA AKONG DAPAT malaman na hindi ko naman daapt malaman kasi komplikado.

Congratulations @czera! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!