LAKRENO

in tagalogtrail •  6 years ago 

images (3).jpeg
imahe

"Mga nilalang na kabilang sa mga engkanto pero sila'y anyong tao. Malapit sila sa mga tao dati pero sila'y inabuso kaya umalis sa matao at nagpakalayo. Sila ang klase ng engkanto na mahilig makipag kaibigan sa tao. Ngayon bihira mo na lang silang makita dahil nagtatago. Huwag daw tanggalin ang ang kanilang maskara para hindi sila maglaho o mamatay."

Kwento ng lola ni Jazy noong bata pa sya. Matagal na sya nang umalis sa lugar poder ng kanyang lola. Nagkatrabaho kasi yong mama nya sa bayan. Pero nitong bakasyon nagdesisyon syang pumunta sa lola nya kung kumusta na ba. Naalala nya ang mga sinabi ng lola noong doon pa sya nanirahan. Mga sampong taon na ang nakalipas kya hindi na nya maalala ang mga nangyari dati. Anim na taon pa kasi sya noon at ang nasa isip lang ay maglaro. Pinagmasdan nya ang paligid ng kagubatan habang nasa bus.images (4).jpeg
imahe

"Ang ganda talaga ng lugar ni lola." Sabi sa sarili dahil sa namangha ito. Patuloy nyang pinagmasdan ang paligid hanggang sa nakarating sa bahay ng lola. Sinalubong agad sya ng lola nya sa may pintoan pa lang. Nakaupo ang lola nya sa labas.

"Lola mano po, andito na po ako, si Jazy."

"Ikaw na ba yan apo, pasensya na at hindi na kita gaanong makilala,matanda na si lola." Sagot ng lola habang nakatawa.

Nagtataka si Jazy kung sino yong kaninang lalake na nagbabantay sa kanya. Nakaupo ito sa may gilid ng kahoy.

"Lola sino po yong nakaupo kanina sa may gilid ng kahoy sa tabi mo?"

"Wala naman apo, inutosan ko si Edna yong Tita mo na ilabas ako at dit kita aantayin. Umalis naman sya kaagad dahil may trabaho sya sa bukid."

"Ay ganoon po ba." Sagot ni Jazy pero hindi pa rin sya kampante sa sagot ng lola. Sigurado kasi syang meron eh kasi nakatalikod lang at biglang nawala.

Pumasyal si Jazy sa kagubatan para mag lakad lakad. Gusto nyang magpahangin at maghanap ng magagandang tanawin. Lingid sa kaalaman nya na may klase klaseng engkanto ang naninirahan sa bundok. Nakapaligid lang sakanya ito pero di nya makita.images (5).jpeg
imahe

Sa paglalakad nya napansin nyang may parang nakatingin sakanya. Bigla syang lumingon at nakita nya ang likod ng lalake. Bigla itong nagtago sa damohan pero pinuntahan nya ito.

"Hoy!! sino ka?"

Hindi nagsalita ang lalake at hindi ito humarap. Pumunta sa harap sa Jazy pero tatalikod naman ang lalake. Napapagod na si Jazy sa kakakilos kaya hinawakan nya ang likod ng lalake at pumunta sya sa harap. Nagulat sya sa nakita nya. Lalakeng nakamaskara at parang mayroon syang naalala. Tumakbo ang lalake at hindi na nahanap ni Jazy. Umuwi sya sa bahay nila at pilit na inalala ang mukha nya. Mukha nya kasi ay pamilyar at parang nakita na nya ito dati.

Kinabukasan naglalakad nanaman sa bundok si Jazy. Pinuntahan nya ang lugar na parang napuntahan nya dati para makatulong sa pag-alala. Sa paglalakad nya napansin nyang andyan pa rin yong lalake. Hinahayaan nya lang tong sumunod sakanya. Pumunta sa mataas na bundok at lumanghap ng hangin.

"Ang sarap talaga dito."

Sa pagsalita nya mayronn syang naalala. Noong bata pa sya may naging kaibigan pala syang lalake.

Ang nakaraan....

unnamed.png
imahe

Bata pa si Jazy noo may nakilala syang lakreno. Masaya silang naglalaro sa bukirin at walang iniisip na sila'y magkaiba. Pumupunta silang dalawa kahit saan. Minsan inaabot ng kagabi sa labas dahil sa kakalaro. Nagkakilala sila noong nawala si Jazy sa gubat at umiiyak. Hindi naman sya natakot nito dahil ang lakreno ay nakamaskara. Hinatid si Jazy at simula noon ay naging magkaibigan na sila. Minsan dinala sya kagubatan kung saan hindi naabotan dahil ito'y nasa ilalim. Namangha sya dahil parang nag-iilaw ang tubig. Ang mga isda ay lumalangoy at minsan lumilipad. Natandaan nya rin noong pinalibotan sya ng mga isda habang lumiliwanag ang paligid. Piling nya ay nanaginip sya dahil dito. Mga ibon ay kumakanta habang ang mga isda ay sumasayaw.

"Ang ganda silang pagmasdan."

"Talaga? Mga alaga ko sila, kapag nakakahanap ako ng mga ibon at isda sa labas na muntik ng mamatay. Hinahawakan ko at binibigyan ng buhay pero hindi na sila normal na isda at ibon."

"Ayos lang yan basta naging masaya sila, salamat at dinala mo ako dito."

Kasalukoyan...

Naalala ni Jazy ang nakaraan kaya tinawag nya ang lakreno.

"Uy, lumabas ka dyan at naalala na kita."

Lumabas ang lakreno at lumapit si Jazy sakanya. Naging magkaibigan ulit sila, pumupunta sila sa mga bukirin na hindi pa napuntahan ni Jazy. Halos nalibot nila ang bukirin na malapit sa bahay ng lola ni Jazy sa loob ng isang buwan. Minsan nagkwentohan sila Jazy at ang lakreno sa labas ng bahay. Nilabas ni Jazy ang lola nya na nakaupo sa weelchair.

"Jazy tulongan mo ako at gusto kong umupo sa damohan." Sabi ng lola ni Jazy.

Hindi kaya ni Jazy na buhatin ang lola nya kaya nagboluntaryo ang lakreno na sya ang kumarga. Kinarga ng lakreno ang lola nya at biglang umihip ang hangin. Ang bango ng lakreno ay lumaganap sa paligid. Alam ng lola nya ang amoy na yan.

"Lakreno ilang taon na ba ang dumaan noong masaya tayong naglalaro." Bigla tumahimik ang paligid habang sumisipol ang hangin. Ang paligid ay biglang lumungkot.

"Dati masaya rin tayong naglalaro dito, ngayon ako'y malapit ng lilisan. Alam kong palagi kang nasa paligid binabantayn ako para walang manakit sakin. Salamat dyan. Gusto ko sanang makita ang mukha mo bago ako mamatay kaso hindi pwede at naiintindihan ko iyun."

Tumalikod ang lakreno habang umiiyak ang lola ni Jazy. Hindi nila alam kung anong emosyon mayroon ang lakreno dahil nakamaskara ito.

Isang araw dinala ng lakreno si Jazy ulit sa lugar kung saan may mga isda na sumasayaw at ibon na kumakanta. Pumunta sila doon para ipakita ng lakreno kung ani na ngayon ang lugar na ito. Nakarating sila sa lugar at ito'y iba na sa dati. Lumaki ang ilog at marami ng naninirahan ng kapwa nya lakreno. Ang mga isda at ibon ay dumami na. Masayang nakikipaglaro ang mga batang lakreno sa mga isda at mga ibon. Ginawa syang pinuno ng mga kapwa nya lakreno dahil dito. Masaya ang paligid, nililibutan ng ngiti ang lugar. 'Rinig mo ang halakahak ng tawa bawat nilalang na andon. Pero biglang dumilim ang paligid. Dumating ang antaka, ang antaka ay masamang engkanto na nangunguha ng tao para alipinin ito.

"Mukhang may naamoy akong tao dito."

Biglang tinanggal ng lakreno ang maskara nya at nilagay kay Jazy. Nagulat ang lahat sa ginawa ng pinuno nila, napapaluha si Jazy pero pinigil nya lang ito. Alam ng lahat kung anong mangyayari sa lakreno kapag tinanggal ang maskara at pinakita ang mukha.

Lumapit ang antaka kay Jazy at inamoy sya.

"Para kang tao ngunit maskara mo ay lakreno."

Tumawa ang antaka dahil dito.

"Sa kakalapit mo at pakikipagkaibigan sa tao ganyan na amoy mo."

Tiningnan ng antaka ang pinunong lakreno. Wala itong maskara pero hindi nya alam kung lakreno ba ito o normal lang na engkanto basta ang amoy nya ay isang engkanto. Umalis ang antaka kasabay ng dilim sa paligid.

"Pinuno...." Sabi ng mga lakreno at hindi mo alam kung nag-iiyakan dahil sa maskara.

Hindi makapagsalita si Jazy dahil sa sikip ng dibdib. Masaya syang makita ang mukha ng lakreno na nakangiti pero nalulungkot sya. Ang gwapo ng lakreno, ang tangos ng ilong nya at ang puti. Mayroon syang mapupungay na mata. Hinatid si Jazy ng lakreno sa bahay nila.

"Lola andito na po ako."

Sa labas sila nag-usap ng lola nya at Jazy kasama ang lakreno. Dahil hindi makakita ang lola ni Jazy. Hinawakan ang mga mata ng lola nya ng lakreno at biglang luminaw ang mga mata nya. Nagulat ang lola nya sa nakita nyang mukha ng lalake. Nakangiti ito at naalala ng lola nya ang amoy ng lakreno. Umiyak ang lola nya at hinawakan ang mukha ng lakreno.

"Bakit mo tinanggal ang iyong maskara?"

Ngumiti lang ang lakreno habang dahan dahan na nawala ang mukha nya na parang buhangin na hinihipan ng hangin. Patuloy ang pag-iyak ni Jazy dahil alam nya ang dahilan. images (6).jpeg
imahe

"Ako ay aalis na, MARAMING SALAMAT SA LAHAT..huwag kayong mag-alala masaya naman ako dahil sa inyo."

Umiyak ng umiyak si Jazy at inalala ang kahapon..na mga ginawa. Wala syang masabi dahil sa kakatulo ng luha.......

"WAKAS"

Salamat sa pagbasa.
QmaYdU2cC8cgiQ5oLNSwXw4kwBxGX5ftdrrojp8MZnfK2b.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hey @mrnightmare89,
Your post "LAKRENO" hast just been Resteemed !!! 🙃😝🙃
You have achived this service by following me.


🙃🙃🙃 Thanks for being with FREE Resteem Bot @tow-heed🙂🙂🙂

Congratulations @mrnightmare89! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!