TagalogSerye X: Ikalawang Bahagi ng Unang Pangkat

in tagalogtrail •  6 years ago  (edited)

178633C8-CB22-4C9D-B96F-4ECCACF4AED1.jpeg

ANG NAKARAAN....

Napakuyom na lang siya sa kamao dahil sa labis na pagsisisi. Bigla na lamang siyang napabalik-tanaw sa nakaraan. Kung paano niya ipagtanggol ang kaniyang kapatid sa lahat ng nanunukso at nanloloko rito, kung gaano siya kabuting anak, at kung paano nagsimula ang pagkasira ng kaniyang buhay dahil sa pagtikim ng ipinagbabawal na gamot.

unnamed (1).jpg

Biglang naalala ni Vince kung paano mag-isip ang kapatid nya, pinagmamasdan nya itong nalilibang sa sariling mundo nya. Oo, iba ang pag-iisip ng kapatid nya pero mahal nya ito kaya minsan napapaaway sya sa kalye pag tinotukso ang kapatid nya. Si Val naman ay parang wala lang, hindi nya alam kung anong nangyayari sa paligid nya.

"Kuya, bakit nakikipag suntokan ka? Masama po iyon, diba?"

Gustong umiyak ni Vince dahil sa naawa sya sa kapatid nya at napa-isip sya kung paano na lamang pag wala sya.

"Wala naman Val, nakikipag laro kasi si kuya at ako yong super hero kaya nag-aakting ako na si superman, kilala mo sya diba?"

"Opo kuya gusto ko ring maging kagaya nya, isali mo ako kuya."
"Haha ganoon ba, eh di sige doon tayo sa bahay maglaro ng ganoon, bibilang ako ng tatlo ah at kung sinong huli sa pag takbo ay sya yong kalaban. 1..2..." Hindi na nya tinapos ang pag bilang dahil tumakbo na agad ang kapatid nya. Ngumiti nalang si Val pero sa totoo'y nalulungkot sya.

Bumabalik lahat sa alaala ni Vince kung gaano sila kasaya dati habang pauwi sya sa bahay, at sa susunod na araw naman ang dalaw.

"Nay, mauna na muna kayo sa bahay at gusto ko lang mapag-isa."
"Baka saan kapa pupunta?"
"Hindi po......"images (4).jpeg

Nagbalik tanaw si Vince sa mga nakalipas na kasa-kasama pa nya si Val. Umiiyak sa tahimik at iniinda ang pagsisisi sa ginawa nya. Naalala pa nya ang ang sabi ng kapatid nya minsan na nakasoot ng uniform dahil papunta na sya ng paaralan.

"Kuya ang cool mo po tingnan, gusto kong maging katulad mo."
Umiyak si Vince ng todo at sumigaw, "ito ba ang taong hinahangaan ng kapatid ko." Patuloy sya sa pag-iyak.

"Bakit ba ang duwag ko, paano na si Val, anong mangyayari sakanya doon."
Umiiyak sya habang ini-imagine na baka laging binubogbog si Val sa presento at baka kung anong ginawa sakanya para pagkatuwaan.

Umuwi sya sa bahay nila na ang tahimik, wala na si Val dito. Napicture out nya ang mukha ng kapatid kapag umuwi sya ay ngumingit at yumayakap sakanya at ngtatanong.

"Kuya kumusta ang skul, maganda ba ang skwelahan mo, kuya sige na kwentohan mo ako kasi sabi nila inay at itay mag-aaral ako doon pag tumanda na ako."unnamed (2).jpg

Hinahawakan nya ang ulo ni Val at ginagalaw ang buhok habang tumatawa.

"Maganda doon Val at marami kang maging kaibigan".

Sinagot nya si Val ng kasinungalingan kasi ang totoo hindi naman sya pumapasok dahil sumasama sa barkada at gumagamit ng druga.

Kinabukasan habang kumakain ang pamilya nag-uusap sila.

"O Vince ayosin muna ang buhay mo, mag-aral ka ng mabuti para sa kapatid mo."
"Opo, inay".
"Uwi ka ng maaga mamaya para kumustahin natin kapatid mo doon sa presento kung kumusta na ang kalagayan nya doon at makibalita tayo baka pwede syang pakawalan dahil sa sitwasyon nya."
"Opo, itay"

Sa paglabas ni Vince sa kanilang bahay napansin nyang iba maka tingin ay may mga sabi-sabi pa ang tsismosa.

"Kawawa naman kapatid nya kahit walang ka muwang-muwang ay nakulong, bakit kaya."

Pinabayaan nya na lang ito at patuloy sa pag punta sa skwelahan nya. Pagdating sa room nya ay andoon yong mga klasmet nya, nagyaya nanaman na gumala at tumira na naman ng gamot.

"Pare pass na muna ako ngayon at may problema ako."
"Sige next time nalang ah".
"'Wag nyo ba ako isali kung pwede dahil gusto ko ng magbago at sana kayo din."
"Ang oa mo ah, tara na nga". Sagot ng klasmet nya kasama ang grupo.

Pagkatapos ng klase ay umuwi agar si Vince sa bahay nila, nagpaalam sa kasintahan nya na may importante syang gagawin kaya di muna sila magkita. Umintindi naman ang dalaga at hindi na nangulit. Naglalakad sya pauwi sa bahay nila, may eskenita kung saan walang gaanong dumadaan dahil maraming mga tambay doon. Dadaan na sana sya sa may eskenita ng tinawag sya ng kaklase nya kasama si Michael. Si Michael ang kinukuhaan nila ng druga.images (5).jpeg

"Vince, halika muna."

Piniliy syang pagamitin ng druga, hinawakan ang ulo nya habang sinisindihan ang foil ng lighter at itinatapat sa ilong nya.

"Sige na, singhotin muna, wag kana madrama." sabi ni Michael.images (6).jpeg

Ayaw talaga suminghot bi Vince kaya binugbog nalang nila ito. Hindi na halos maka tayo si Vince dahil sa pagbogbog sakanya.

"Siguradohin mo lang na hindi mo kami ikakanta ah, hindi lang ganito abotin mo at pamilya mo." sabi ni Michael habang naglalakad paalis.

Nakarating sa bahay si Vince na dugoan ang mukha at daming pasa.

"Dyos ko anong nangyari sayo, sinong may gawa sayo nito.?"
"Wala nay, hayaan nyo na lang."
"Anong hayaan, halika at magsumbong tayo sa pulis."
"Nay, pakiusap makinig nalang kayo sa'kin." Pasigaw na sabi ni Vince.

Pinunasan ng ina ang mga pasa ni Vince para pag dumating ang itay nya ay hindi ito magalit, baka mag-aamok pa.
Maya-maya ay dumating ang itay nito.

"Marta andyan naba ang anak mo at aalis na tayo."
"Saglit at magpapalit lang sya ng uniporme nya."

Nagpalit ng damit si Vince at agad sila nagtungo sa presento. Pagdating nila sa presento ay may tumawag kay Vince na isang pulis habang ang mga magulang nya ay nakipag-usap kay Val at awang awa ito sa anak. Tinawag si Vince at nagpaalam sa magulang nya. Nagtaka ang magulang nyo pero dahil pulis naman kaya hinayaan na lang nila.

"Ikaw ba ang kapatid ng baliw na yon?" Pa insultong sabi ng pulis.
Gustong magalit ni Vince pero pinigilan nya lang ito at sumagot ng mahina. "Opo sir."
"So ikaw ang tunay na gumagamit ng druga, ano?"

Nagulat si Vince sa sinabi ng pulis at nakaramdam nanaman sya ng takot kaya hindi na ito ngsalita.

"Huwag kang mag-alala at hindi ka namin isusumbong pero sa isang kondisyon, may ipapagawa kami sayo.."

Hindi makapagsalita si Vince at hindi alam ang gagawin.

ITUTULOY....

Anong kondisyon ng pulis?
Makakalabas pa ba sya sa mundo ng druga?

Salamat sa pagbasa..

DISCLAIMER: all photos from google.com
Prompts
Tema: Inspirational Drama

Mga Elemento na kailangang makita sa kwento:

Dilemma ng mag-asawa

Pangaral ng magulang sa mga bata (quote or proverb na bibitawan at ipapaliwanag sa kwento)

May mangyayari sa isa sa mga anak nila na magiging turning point ng kanilang buhay

Tragic ending

Mga Kasali:
Unang grupo:

Miyerkukes - @jemzem
Huwebes - @mrnightmare89
Biyernes - @blessedsteemer
Sabado - @twotripleow[DeShawn Tragnetti]

Ikalawang grupo:

Miyerkules - @czera
Huwebes - @iyanpol12
Biyernes - @BeyondDisability
Sabado - @oscargabat

QmaYdU2cC8cgiQ5oLNSwXw4kwBxGX5ftdrrojp8MZnfK2b.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Natutuwa ako't nakaabot ka pa rin sa deadline. 😊😊
Hindi talaga madaling lumayo sa nakagisnang bisyo kasi napakarami pa rin talagang mga tukso sa paligid. Realistic itong kwento mo. Kasi kahit gustuhin ng ibang tumigil na, hahabulin at hahabulin pa rin sila ng bisyo. Hayyys. Pero ano nga kaya ang kondisyon ng pulis na iyon? Sana naman hindi makakasama sa kanila.

haha gusto ko sanang sabihin kaso tinatamad na ako at baka lumalayo nanaman at hindi pa mapigil.haha

Posted using Partiko Android

sensya na at hanggang dito lang kaya ko, ito na ang best ko.hehe

Posted using Partiko Android

  • grabe ginalingan
  • panalo, realistic ang atake
  • pasok pa sa oras.
    ,- maiksing oras lang ang binigay pero nagawa ng sobrang ganda
  • mainstay ka ha @mrnightmare ng tagalog serye
    love the story
  • parang gusto ko bigyan ng kadugtong din haha
  • napakameanigful ng mga litratong napili

haha salamat bd kaso nahihirapan ako kasi iba ang gusto kong storya kaso ang last mahirap dugtongan ng gsuto kong storya

Posted using Partiko Android

  • pwede mong gawin p rin :)
  • sariling serye mo na lang po

😅 Buti tama yung term na binigay ko kagabi.

I can relate ( relate daw? Adik ba ako?)

Real talk ayan ang usual na nangyayari sa lipunan ngayon. Wherein pag tumiwalag ka sa grupo it is either itutumba ka nila o ipapatumba ka nila. Kaya dapat magbago na kayo!
Wag nyo na siya gayahin. Shookt may hugot na naman ako dito.

K Bye!

haha kaya master tama yong binigay mo, direkta ang tira ko nito, hindi na pinalawak ang imahinasyon, base ito sa real life.hehe
salamat pala

Posted using Partiko Android

Ang husay ng karugtong! Nagustuhan ko ang rebelasyong hindi naman pala talaga masamang anak si Vince. Kaya dapat talaga pumili tayo ng mga taong makakahalubilo natin. Galing din ng panghuling bahagi, nakakabitin!

haha sinadya ko yan kahit hindi naman, haha ang plano ko dyan ay makakasama sakanila eh, gusto kong ibalik sya sa bisyo kasi yan naman twlsga ang totoo bat teka sumali kaba sa patimpalak ni romeskie madam?sali ka para enjoy, andoon na ss akin eh nabasa mo ba,?haha

Posted using Partiko Android

Grabe hirap nito sundan hehehe

sorry nahihirapan din kasi ako.hehe

Posted using Partiko Android

Ok lang bro..walang problema..mas exciting at kapana panabik bawat eksena haha.

Posted using Partiko Android