Bilang pagsuporta sa aking butihing kaibigan na si @romeskie ako ay sumali sa kaniyang patimpalak na Pagpipinta Gamit ang Mga Salita | Isang Patimpalak extended po siya hanggang September 18 kaya't may pagkakataon ka parin sumali.
Napakaraming bagay sa bag ko maliit man o hindi ang nakalagay mula sa cellphone, headset, ballpen at papel na sa tingin ko ay pangkaraniwan na para sa ating manunulat. Ngunit maliban doon ay may isa pang espesyal na bagay para sa akin ang kahit kailan ay hindi mawawala sa aking sisidlan ng gamit ay yun ay walang iba kundi ang mahiwagang.... drum roll please... Wet wipes/ Baby Wipes.
Bakit?
E kasi nga baby pa ako kaya ganun. Wag na kayong kumontra. O sya sige na nga ganito kasi iyan. Magbabalik tayo sa nakaraan...
Taong di ko na tinandaan, basta nagta trabaho na ako papunta sa isang event sa isang church sa Maynila.
Linggo, maaga gumising ang ating batang-batang lead character sa kwento upang maghanda para sa isang anniversary ng church sa Maynila.
Mag-isa lang siyang namumuhay hindi dahil sa siya ay ulila na kundi dahil sa siya ay nagbo-board malapit sa kaniyang pinapasukan sa trabaho. Dito ay natuto siyang magluto simula sa pritong itlog hanggang sa kare-kare at kung ano pa na pwedeng mabasa sa recipe book at website ni Panlasang Pinoy pero hindi sya nagluto ng araw na iyon. Batid niya na kapag nagluto pa siya ay aabutan siya ng siyam-siyam at ang kaniyang mga bulate sa tiyan ay mag-aalburoto.
Matapos higupin ang mainit na kape na walang asukal, lumapit siya sa pridyider at nakita ang hinog na papaya na binili sa may palengke ng Kalentong.
Hinog na hinog na ang papayang kaniyang nabili at ang mala kahel nitong bunga sa loob ay lubhang kay tamis! Ngunit hindi parin nasiyahan ang ating bida, kinuha niya ang Alaska na kondensada (pero di naman talaga Alaska ang brand na iyan. Ito ay yung walang tatak na gatas at may bingaw ang lata.) at ibinuhos ang gatas sa papaya.
"Hmmmm.... Grabe! Heaven ang sarap talaga ng super tamis na papaya!" Kilig na kilig na wika ng binata na sa wari mo'y unti-unting mahuhubad ang kaniyang mga damit at gaya ng mga eksena sa Shokugeki no Soma.
Matapos ang nakakatindig ng balahibong pangyayaring iyon siya ay naligo na at nagbihis paalis.
Sumakay siya sa isang pampublikong sasakyan na kasya ang bente katao. Naglakad siya sa sasakyan ng nakayuko dahil sa medyo may katangkaran ang ating bida 5'6 ang kaniyang height at kung hindi niya ito gagawin ay bukol sa noo ang kaniyang aabutin. Iniabot ang bente pesos na pamasahe at naghintay sa kaniyang sukli.
Wala pang pasahero ng mga oras na iyon at tamang-tama ito para sa kaniya dahil pagkakuha niya ng sukli ay agad siyang pupuwesto sa may dulong bahagi at doon ay matutulog o magtutulog-tulugan ano man sa dalawa ay maaaring mangyari.
Pagkaabot na pagka abot ng sukli ay siya namag dating ng isang pulutong ng mga bata at matanda. Inokupa nila ang pwesto na balak sanang upuan ng ating bida. Nagpaltik ang tainga niya at sa loob nya ay nainis siya. Siksikan ang nangyari at sa sigaw ng barker na.
"Isa pa! Lalakad na!"
Lumingon siya sa kaliwa at kanan ng sasakyan at tinignan maigi kung saan papaupuin ang isa pang hinihintay. Ngunit hindi niya makita kung saan maari itong sumiksik. Isama pa ang mga lumba-lumba na kasabay niya at ang mga may kargadang paninda galing sa palengke.
"Saan dito bes?" - sarkastikong wika niya sa sarili.
Lumipas ang ilang minuto at may isang mama na umakyat sa sasakyan medyo may katandaan na siya. Lubog ang mata at sa wari niya ay isang ubo nalang ang kaniyang kaya at ito ay mauutas na. Umupo siya at jackpot! swak na swak siya sa pwesto. kaya't umandar na ang sasakyan patungo sa destinasyon.
Pumikit ng bahagya ang ating bida para makaidlip para di maabala sa pag-aabot ng bayad dahil sa medyo may kalayuan pa naman ang lugar na kaniyang babagtasin. Mainit ang byahe dahil sa wala nang lilim sa kalsada mas marami pa ang mga establishimiyento na nagtataasan kaysa sa mga puno. Ibang-iba sa probinsya ay teka di nga pala laking probinsya ang ating bida, taga siyudad din siya.
Tumutulo na ang pawis sa kaniyang mga noo at ang kaniyang likuran ay basa narin halos dahil sa init. Ang kaniyang puting kamiseta ay kulay puti parin naman ngunit makikita kaagad ang naglalawang bahagi lalo na sa kaniyang kilikili. Wala na siyang nagawa kundi punasan nalang ito ng kanyang jacket na bitbit.
Mabagal ang usad ng mga sasakyan, may nasiraan daw sa may rotonda na nakakapag pabigat ng daloy ng trapiko. Unti-unti syang nakaramdam ng pagkainis dahil dito at sa kaniyang pagkainis naramdaman din niya na mayroong kakaiba sa kaniyang sikmura.
"Ay-ya-yay! Bakit ngayon pa!" - wika niya sa kaniyang sarili.
Ang pawis na kaniyang pinupunasan kanina dahil sa init ay napalitan na ng pawis na mula sa pagka stress at kung ano man. Sumasakit ang kaniyang tiyan at kailangan niyang mag deposito. Gustuhin man niyang kumanta ng "Sa bukid walang papil kiskis mo sa pilapil" walang bukid siyang makita, panay gusali lang ang mayroon.
Lumingon-lingon ulit siya sa paligid at nakita ang isang gusali na sobrang pamilyar siya. Isang kainan na kung saan Beeda ang Saya! Bumaba na siya sa sasakyan at dali-daling naglakad patungo sa kainan. Isang matamis na ngiti ang bungad agad ng manong "Welcome po sir!" at binuksan na niya ang mabigat na tarangkahan patungo sa langit. Napakabuti ng anghel na iyon na nakasuot ng kulay puti at sumbrero. Sa wari ko ay isa siyang sundalo sa kalangitan dahil sa kaniyang baston na bitbit sa may baiwang.
Pumasok ako at naglakad patungo sa aking destinasyon, sakto! walang katao-tao sa loob. Siniguro ko na naka lock ang pintuan. Hinubad pababa ang aking pantalon at brief at naupo sa trono ng hari. Nagdeposito at kumanta-kanta. Matapos ang pag-aalburoto ng bulkan ay tinignan ko ang lugar kung nasaan ang rolyo ng mga tissue.
Walang laman ang rolyo! At yung dispenser nila ng tissue wala ding laman!
Kinalma ko ang aking sarili ng bahagya at nag-isip, paano ako makakalabas dito at ano ang aking gagawin? Tinignan ko ang aking bag at nakita ang mga sumusunod.
1 Spray bottle ng Alcohol
1 Notebook
1 Bible
1 Ballpen
Barya
Papel
Government Issued Id's
1 Pabango
Headset
Cellphone
Para paiksiin ang istorya gamit ang tatlong kagamitan mula sa aking bag ako ay nakalabas sa palikuran ng gusali. Naghugas ng kamay gamit ang libreng sabon nila doon ay tumuloy sa aking byahe ng matiwasay.
Dahil narin sa pangyayaring iyon ako ay natuto na. Sa tuwing magpupunta ako sa mga palikuran iyan ang una kong tinitignan at napagtanto ko na ang mga fast food restaurant ay madalas walang tissue sa loob at dahil narin sa mausisa ako tinanong ko ang kakilala ko kung bakit ganoon at ang tangi niyang nasabi ay "Iniiwasan nila na magdeposito ang mga tao sa CR talaga kaya walang ganun". O diba ang imba lang, pwede kang kumain ng kumain sa kanila pero di ka pwede mag release ng mga kinain sa lugar nila.
Pero wala na akong magagawa business decision na nila yun. Kaya't sa tuwing aalis ako ng bahay maliban sa mga nailagay ko na dyan kasama narin sa aking listahan ang Wet wipes at kung sakali mang makalimutan ko siya dumadaan ako sa mga convenience store para bumili dahil dapat boyscout ka lagi. "Laging handa!"
Ngayon ang tanong alin sa mga gamit na nailista ko ang tatlong bagay na ginamit ko at sa tingin ninyo ay paano ko nagamit? Comment below hahaha
nyahaha! nakakaaliw! sa tingin ko barya 😂
syempre papel. pwede din naman pumilas ka ng papel sa notebook at un ang ginamit mo. pero kadalasan sa mga ganitong pagkakataon, mas marami ang isinasakripisyo ang medyas nila. pito sa sampung tao na nakapanayam ko ang umamin na medyas ang ginagamit nila.
nangyari na rin sa akin ito. pero mabuti na lang at listo ako, may nakatabi akong mga tissues ng fastfood chain sa aking bag. at aaminin ko din, nakapagdeposito na ako sa "Langhap Sarap" gamit ang tissue ni "Love ko 'to!"
pero totoo din na ang overripe papaya + condensed milk = cadbury chocolate with fruits and nuts nyahaha! 💩 naranasan ko din ito nung nagpa-practice kami ng graduation. pero elementary pa lang ako noon.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Oh my! Haha di ko maimagine ang sarili ko na gagamitin ang medyas kung sakali man. Pag yung medyas na disposable siguro pwede yung tig t-ten pesos ( meron pa ba nun? )
Marami pang Deadly Alliance na nabuo na siguradong mapapabalik balik ka sa CR at isa na doon ay ang Mocha ( Kape tsaka Milo ) grabe yan mahusay ding pampa alam na natin.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wahahahaha! Hulaan ko 😅😂
Ako rin, bilang babae, di pwedeng walang tissue o di kaya wet wipes. 😂 Kumakain ako ng takoyaki habang binabasa ito, at dahil mejo out of this world ang aking imagination, nakaramdam ako na kaunting pandidiri at muntik nang masuka. 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahah di kaya nakaka diri subtle nga lang ang aking paglalarawan. Tama ang hula mo dyan sa mga ginamit ko pero ang tanong paano ko sya ginamit in order hahaha.
Mas nakakasuka kaya yung mga duguan at patayan scenes shocks!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wahaha! Kanya kanyang trip talaga, TP. Gusto ko talaga ung patayan. 😅
Naiimagine ko paano mo ginamit. Una, kinuha mo ang papel at ipinamunas sa "butas".
Pangalawa, kumuha ka ulit ng papel at binasa ito nang kaunti gamit ang alcohol. Ito ay upang masiguradong wala nang natitirang chokolate sa butas. Mahirap na! Pag mejo basa kasi, mas kumakapit. Kaya mas epektib din ang wet wipes kesa dry tissue.😅
Panghuli, kinuha mo ang iyong pabango, at nagpabango sa loob upang ang susunod na papasok ay hindi mahimatay sa amoy. At para narin ikaw ay mabango paglabas. Sa ganung paraan, hindi maxadong halatang may kababalaghang ginawa. 😂😅
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Parang mas nakakadiri itong explanation na ito kaysa dun sa kwento ni @tpkidkai. Hahaha
Posted using Partiko iOS
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Grabeng pagtitiis. Nais ko na umuwi pero dadaan pa kami sa bahay ng kaibigan. Nung nasa bahay na kami ng kaibigan ay di ko na kinaya. Nagpaalam na ako sa kaibigan ko. "Pwede po bang maki-cr" Wahahahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wahahah BD Boom masarap yung set ng order mo! Isa yan sa paborito ko sa Kapihan ng mga estudyanteng nakiki wifi at nakiki charge ng gamit. Peyborit ko din iyan.
Yung palikuran nila per branch maayos din at sobrang refreshing kaya try mo din minsan mag deposito sa kanila.
Sa branch siguro nila @davinsh may bidet para mas feels pa ang pag CR.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
di ako makaCR dahil nasa gitna kami ng presentation. Kaya daming tiis ang naganap. Ang bango ng cr nila jan sa kapihan na may bituin. At take note, meron silang tisyu...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wala kaming bidet, ngunit sinisigurado namin na laging may rolyo ng tisyu.
Sa aking opinyon, hindi talaga sinasadya ng mga fastfood na walang tisyu sa kanilang palikuran, ito ay hindi lamang nila prayoridad kaya naman nakaliligtaan. Subukin mong manghingi sa staff, meron ya panigurado. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @tpkidkai! You have received a personal award!
1 Year on Steemit
Click on the badge to view your Board of Honor.
Do not miss the last post from @steemitboard:
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @tpkidkai! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @tpkidkai! You received a personal award!
You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit