"Kung sakaling bakante ang mesa mo sa Araw ng mga Guro

in teacher-life •  7 years ago 

 


"Kung sakaling bakante ang mesa mo sa Araw ng mga mga nagtuturo. Ilang araw na lang din ang hinihintay ng mga bakanteng mesang hindi nabibiyayaan ng mga regalo mula sa mga tinuturuan. Sinasaludo ko ang mga gurong nakatatanggap ng regalo taon-taon mula sa kanilang mga tinuturuan sapagkat ito ang ilan lamang sa mga ebidensyang naging bahagi nga sila ng buhay ng kanilang tinuturuan. Subalit higit kong pinupuri ang nagmamay-ari ng bakanteng mesa sa darating na araw. Pinupuri ko sila sapagkat pinili nilang kamuhian at kalimutan sila ng kanilang estudyante kapalit ng pangmatagalang edukasyon. Pinupuri ko silang nakaririnig ng pangungutya ng kanilang tinuturuan kapalit ng kasiguraduang matatamo ng mga estudyante ang matataas na marka. Pinupuri ko silang iniirapan at sinusumbatan ng kanilang tinuturuan sapagkat pinili nilang taasan ang pasensya upang hindi mapahiya ang kanilang tinuturuan. Pinupuri ko silang tinatawag na mahinang guro ng kanilang tinuturuan sapagkat pinili nilang makutya kapalit ng isang estudyanteng hindi pa nakauunawa sa paksa. Pinupuri ko silang tinatawag na pangit ng kanilang tinuturuan sapagkat pinili nilang magpuyat sa kagagawa ng mabisang learning plan para sa klase. Pinupuri ko silang nananakit ang kalooban sa mismong araw sapagkat pinili nilang manahimik at magpaubaya para kapwa nila guro. Pinupuri ko silang tahimik na naghihintay ng regalo hindi dahil kailangan nila ito kundi dahil sigurado silang ginawa nila ang kanilang makakaya upang maisip ng mag-aaral kung ano ang higit na mahalaga sa buhay. Pinupuri ko silang kinalimutang pasalamatan ng kanilang tinuturuan kapalit ng panghabambuhay na pasasalamat nila sa aral na tinuro ng estudyante sa kanila.At higit  sa lahat, pinupuri ko silang palihim na umiiyak sa pag-aakalang hindi sila epektibong guro sa kabila ng kanilang malinis na kagustuhang maging mabuti. Kaya't kung saka-sakali mang bakante ang iyong mesa sa araw ng mga guro, tandaan mo'ng pinupuri kita higit kaninuman sapagkat alam kong pinili mong maging makatao kapalit ng pansalamantalang biyayang natatanggap ng ilang nagpapanggap na tao.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ok na ok kabayan nice I up voted this hope to follow me too. @marialiesamae

Thank you po