Teardrops smt token rewards: Tula para sa aking ina!

in teardrops •  6 years ago 

image
Ilaw ng tahanan kung maituturing
Babaeng araw araw nating kapiling
Ang mga Ina na kay ganda ng hangarin
Pinadadama'y pagmamahal at lambing

Ang aking Mama na napakaganda ganda
Lahat gagawin para sa amin,
Inaasam ang buhay na kayganda
Kayat mga pangaral ay sinabi samin.

Pagmamahal niya'y walang hangganan
Mula pagkabata kami'y inalagaan,
Handang pagtakpan pati mga kasalanan
Ano mang problema siya ay nandiyan.

Sana'y di mawala minamahal kong inay
Sapagkat sa kanya kami ay nasanay,
Sa mga mabubuting asal ako sinanay
Upang magkaroon ng saysay aking buhay

Mahal kong mama ikaw ay nandiyan
Upang kami ay iyong magabayan,
Hiling na makapagtapos ng pagaaral
hindi makakalimutan kanyang pangaral.

Thank you for dropping by!
@surpassinggoogle has been a wonderful person and please support him as a witness by voting him athttps://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnessesagain and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wowowiwawww ito ang tinatawag na.paulit ulit hahahaha