"PUSONG SAWI" - TULA NG PAGLUHA : A TEARSDROP POEM

in teardropspoem •  7 years ago  (edited)

d4.jpg

source



Itong aking akdang Tula ay iniaalay ko kay sir @surpassinggoogle para sa kanyang proyektong "@tearsdrop" token.




"PUSONG SAWI"






mundo ay nagliwanag nang una kang makita
di mawari ang nadarama ng puso
pagkat dumating sa buhay ko ang isang tulad mo
umusbong ang pag-ibig na di maipaliwanag sa tuwina


nagdaan ang panahon ay di ko namalayan
ako'y umiibig na pala sayo ng tuluyan
makulay ang buhay ko sa mga araw ng pagsuyo
at mga alaala sa twina ay nabuo


subalit di nagtagal ay pait ang dulot
ng aking malaman ikaw pala'y salawahan
akoy iyo lamang sinaktan ng harapan
damdamin ko't puso ay luhaan
iniwan mong durog, puso ko'y sugatan


pero bakit mo ito nagawa?
ako'y iyong iniwan nagdurusa
giniwa ko naman lahat
at sa iyo'y naging tapat


kay sakit ang sa puso ay nadarama
pagkat ako'y di mo pala sinisinta
sa dami ng ating napagdaanan
napalitan lamang ng puot at pagdurusa


Nagkamali ako, inaamin ko
magmula ng mahalin ka ng todo todo
marahil nga'y umasa na ang pag-ibig mo rin ay madama
subalit balatkayo lamang pala ang iyong pagsinta



border.png


HANGGANG SA MULI!!
MARAMING SALAMAT SA PAGBISITA!!...




yens footer.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post has received a 1.61 % upvote from @booster thanks to: @rosava.