[Filipino Confession No. 1] - MUNTING ALAY KAY ITAY AT INAY

in tilphilippines •  7 years ago  (edited)

Noong tayo ay ipinanganak, wala tayong kayang gawin mag-isa.
Ang lahat ay dahil sa tulong at pag-aalaga nila.
Doon pa lang, tayo ay maswerte na!
Dahil pinalaki, inaruga at minahal ka.
Ngunit madalas nilang sinasabi na tayong mga anak ang biyaya sa kanila.
Pero ikaw, naiisip mo ba?
Ano na ba ang mga nagawa mo para sa kanila?
Sa tingin mo, ito ba ay sapat na?
20728402_1665009803512203_3913607541243415417_n.jpg

Wala tayong kayang ibayad sa lahat ng sakripisyo nila.
Kahit gaano pa kalaking pera, wala itong katumbas na halaga.
Kaya nga ang utos ng Dios ay mahalin at respetuhin natin sila.
Nang sa gayun ay makabayad ka.
Simple lang naman, diba?
Simple nga pero minsan palpak ka pa.
Hindi maiwasan, hindi man sinasadya, nasasaktan natin sila.
Pagkatapos humingi ng tawad, mamaya, ok na sa kanila.

Ngunit paulit-ulit mang sila ay masaktan,
Pagkukulang ma'y di na natin mabilang,
Pasasalamat sa Dios ay walang hanggan
Sapagkat hanggang ngayo'y lagi pa rin silang nariyan.
Maraming salamat po, aking ama at ina.
Ang pagsasama ninyo nawa ay laging gabayan at samahan,
At huwag magwakas ang inyong pagmamahalan!

Hanggang sa aking huling hininga, kailanma'y di kayo tatalikuran.
Lagi po sana ninyong pakatatandaan,
Ang inyong anak na patuloy na sa inyo'y magmamahal,
Ryssa ang pangalan.
20729163_857158724451427_7118190343635674392_n.jpg

Let's all not take for granted the love and care that our parents give us.

I will be translating this simple poem I made for them in my next post.

Camera used: Huawei P10

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wonderful too see them grow old in love. Inspiring 😊👍

Thanks @smokinglems

Ate..ung camera used for those pics mo pls..para sa curation lang. ta!

Edited na po. Nilagay ko na camera used. Salamat

:)

Requirement pala lola ang camera info?

Hehe. I'll make it a habit na lang.

To show ownership to those photos..like it's ok to use photos from the internet but the owners need to be acknowledge as an appreciation. Kaya meron disclaimers when using other's to prevent plagiarism.
So camera or cel camera info's need to be used. A lot of people are plagiarising with their posts, so the platform are very anal with them..
in the future, no one can claim that it's their pictures and they were not acknowledged.
Panget ang dating sa platform. Kahet picture pa ng kapitbahay or un bato sa likod ng bahay lols

Lovely parents,waiting for your translation. God bless you all

Thank you.

I miss my parents..

Diba? Kaya dapat nating laging ipadama ang pagmamahal natin sa kanila

Ganda sis! Namiss ko lalo mga magulang ko. :)

Congratulations @ryssa! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!