Usual question: Where do you get inspiration? Bakit daw hindi ako nauubusan ng ideas sa kwento samantalang madami na akong naisulat (300 plus books) pero di rin naman pare-pareho ang kwento na sinusulat ko at di nauulit.
Sabihin na natin na marami ang interes sa buhay. Isa iyon sa kailangan kapag writer ka. I don't usually go with what's popular or sikat. I am sort of a rebel. Kapag gusto na ng marami, ayoko na. Usually gusto ko ako ang nauuna. Kung ano ang iba, doon ako kumukuha ng idea at inspirasyon.
- Personal experience.
Madaling makakuha ng inspirasyon sa personal experience mo. Mas dama mo. Mas alam mo kung anong sinasabi o nangyayari. Walang ibang pwedeng magsabi na mali iyan o di totoo kasi alam mong naranasan mo iyon.
My series Football Hotties is based on my personal experience in football fangirling. I watched the game, I interact with players, coaching staffs and fans off the pitch. So alam ko kung anong nangyayari kumpara sa maigsing oras na ipinapakita lang sa TV. Alam ko rin ang feeling na ma-in love sa isang taong sikat at yung feeling mo na gusto ka rin niya. Oo, ambisyosa na but that is my own experience.
My Lock of Love Cannot Be Broken tungkol ito sa stalker ko noong nasa Penang Hill ako sa Malaysia. Stalker ko siya kasi kahit saan ako nandoon, nandoon din siya at ilang beses kong nahuli na nakatutok sa akin ang camera niya lalo na nang nasa Lock of Love kami. So dahil dito nabuo ko ang kwento.
I Remember the Boy: Bonifacio is about my experience as a teenager at sa ex-boyfriend kong si Boni. Shet! Spoiler! Yes, magiging si Boni at si Maxine sa future so abangan.
Campus Confessions 1: Don't Cry for me Argentina, nabuo nang lumusong ako sa baha. Jezkelerd!
Minsan sa araw-araw na nangyayari sa buhay mo pwede kang makahugot ng eksena at ng kwento.
- Experience ng ibang tao.
Experience ng ibang tao, kakilala mo man o hindi. In short, isa kang tsismosa. Minsan nakikinig lang ako sa usapan at asaran ng ibang tao tapos may nabubuo nang ideya sa utak ko. Basta nagti-trigger na lang. O may ikinukwento sa akin tapos nakakabuo agad ako ng scene or kwento.
Sweet Curse, tungkol sa dalawa kong football friends na nag-aasaran tungkol sa sumpa na tatandang dalaga daw si Claude. Pero yung nanunukso pala sa kanya ang makakatuluyan niya. Siya pala sisira ng sumpa. Galing lang sa kantiyawan iyan habang umiinom sa Starbucks.
Closer You and I, experience ni @Sonia_Francesca sa kanyang first love at pinagkakitaan ko naman.
My Heart Says I Found You, mabenta si @Sonia_Francesca saka akin kaya siya ulit ang bida diyan. Witness ako sa kabaliwan niya sa love.
Heart-Melting Intruder inspirasyon ko nang makita ko kung paanong maging sweet sina HeartYngrid at JM de Guzman. Di iyan ilusyon. True iyan.
When He Cries, bukod sa Camiguin adventure namin ni Heart_Yngrid, nakita ko na sila ni Daniel Matsunaga together kaya alam ko may moments din sila.
Pansin n'yo kumikita ako sa mga friends ko? Habang nagdadrama sila, iniisip ko paano sila pagkakakitaan. Joke. Sa kanila ako madalas makakuha ng inspirasyon so thank you friends.
Most of the time, ang mga readers gusto nilang gamitin ko ang names nila sa kwento ko. I don't work that way. Mas inspired ako sa experience ng ibang tao. Madaling gumawa ng pangalan pero mahirap gumawa ng kwento. Pag-ibig mo, paghirapan mo. I work by inspiration kasi. Na-try ko nang pangalan lang ang ginamit. Epic fail!
- Gino Santayana, Jason Erwin Dean, Hayden Anthony Ilano, Johann Cristobal of Stallion Series and Jayson Alden Arcena, Julian Veron Yun, Jairon Yun - base sa kwento sa akin ng heroes or heroines ko kaya nabuo. Kwento nila iyan or at least some scenes are based on their experience.
- Traveling. Biyahe na, biyahe tayo. Ahhhh! My favorite. Que pupunta ka lang sa kabilang kanto o kung saang lupalop ka man ng mundo patungo, magagamit mo itong inspirasyon sa kwentong gagawin mo. Sure, pwede kang makakita ng ibang lugar sa Google at sa magazines. Pero iba ang sarili mong experience kapag nagbibiyahe ka. You can meet people, you can experience things on your own, you get to taste their food, interact with locals and fellow tourists. Gusto kong ma-experience mismo ang culture sa ibang lugar.
You're Still My Man and The Sensual Intruder - na-inspire akong isulat ito noong nasa Bohol ako. Sobrang ganda naman kasi sa Bohol at mababait ang mga tao. I want to capture that.
Stallion Series - after visiting Tagaytay Highlands, nabuo namin ni @Sonia_Francesca ang Stallion Series. Walang guwapo doon maliban sa mga boss namin at mga agents at waiters. Malay n'yo naman pagpunta nyo may guwapo na... kung makakapunta kayo.
Skylander and Barely Heiresses: Amira - nabuo din ang mga ito dahil sa pagpunta ko sa Sagada.
To Catch a Dream, Baring His Heart and When He Cries - my Camiguin Series at siyempre ang Call Me Maybe experience ko with dreamgracephr at HeartYngrid kaya nabuo ito.
Lost Herederos - an upcoming series of mine. Nabuo ang series na ito habang nasa Malaysia ako. Each location ng mga heredero ko ay mga lugar na napuntahan ko abroad - Singapore, Cambodia, Thailand, Malaysia... and Batanes para may representation ang Pilipinas.
For writers, o kahit sa sinong tao, I recommend traveling. Umaalis ka sa comfort zone mo at nabubuksan ang isipan mo sa kung anong buhay mayroon sa ibang lugar. Sa pagbiyahe, matututo kang irespeto ang kultura ng ibang tao at maintindihan kung bakit iba sila sa iyo. Magagawa mo rin ang mga bagay na di mo inaakalang magagawa mo. And remember, this is your own experience. Walang ibang pwedeng umangkin. Sampalin mo ng backpack ni Dora kapag may kumontra.
- Use your imagination.
May mga tao na mas gustong gumamit ng sarili nilang imahinasyon kaysa sa sarili nilang experience. Nakakabuo sila sa what if or minsan sa mga pag-aambisyon nila sa isang taong hinahangaan nila. Kahit man lang sa novel makatuluyan mo sila.
Rolf Guzman of Stallion Series - super crush ko si Jericho Rosales. So naisip ko ako ang bida at siya ang hero.
*** Part 2 coming up. Need to work muna. Kung sa palagay ninyo ay may napakinabangan kayo sa mga tips dito, sana po ay i-share naman ninyo sa iba para matulungan din sila. Enjoy writing!
Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
https://www.wattpad.com/211057661-to-all-aspiring-writers-writing-tips-inspiration
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit