Sa paglalakbay (maka-paglalakbay talaga), kailangan n'yo ng T-money. Di lang ito magagamit sa pagsakay ng tren, bus at taxi. Pwede rin itong pambayad sa convenience store nila. Pwede naman i-reload iyan. Very, very convenient. Tap, tap, tap lang at di nangangain ng shunga. Wala ring expiration kaya pwede mong itabi as souvenir at gamitin sa muling pagbalik sa Korea.
Saan makakabili?
Sa lahat ng convenience store sa Korea sa halagang 4,000 won. Sa 7-Eleven Incheon Airport ko nabili 'yung akin at nagamit ko pa nang bumalik ako after seven months. Wala pang load kaya tatanungin pa ng cashier kung papa-load-an mo. 'Yung akin yata 50,000 won ang ipina-load ko kasi puro public transpo ako.
Pwede bang i-refund?
Yes. Pero 'yung natitirang balance na lang ang makukuha mo after bawasan ng 500 won.