basahin nyo muna ito bago ang tulang nasa ibaba
Sa tuwing magbabakasyon
ang gulang ko ay nadaragdagan
Isang araw ako'y nagising na lang
kumita ng pera aking kailangan
Bakasyon pero kailangan magbanat ng buto
Sa init ng araw nagtatrabaho
May mga obligasyong dapat bayaran
aking pangmatrikula, sarili ang inaasahan
Nang makapagtapos ng eskwela
Gustuhin ko mang tumambay muli sa parang at parola
Hindi maaari, pagkat sa aking pamilya
Sinasandalan ako lang walang iba
Lumipas na ang panahon ng kabataan
Nagdaan na ang mga karanasan
Ang lahat ay alaala na lang
Na masayang binabalik-balikan
Ngayon, kami ay mga magulang na
Iba na ang mga prayoridad
Wala ng baka-bakasyon, kilos na
Para sa mga anak na nagkakaedad
Ang napiling landas hindi ko naman pinagsisisihan
Iniirog na kabiyak, masayang pinagmamasdan
Sa aming tahanan ang naiwan kami na lang
Mga nagsilakihang supling may sari-sarili ng sambahayan
Lumipas pa ang maraming taon
Sa wakas ako muli ay makakapagbakasyon
Pero ngayon hindi parola o parang ang ang tatambayan
Walang balikan sa dakong payapang hihimlayan
pinagmulan
@tagalogtrail
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang galing ng takbo nito. Kumpara sa una mong likha mas masasabi ko na ito ay mahusay. Na-sakop mo yung pagtakbo ng buhay simula pagkabata hanggang pagkamatay.
Ngayon tawagin natin si @tpkidkai para sa kanyang reaksyon.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
kay ganda po ng inyong inisyatibo. Naway lumawig pa ito at mas marami ang tumangkilik. Kung papalarin magkaroon rin ng mga taga pondo haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Harinawa @beyonddisability sa ngayon naka tuon muna ang aking atensyon para sa pagbubuklod ng mga manunulat sa ating wika.
Kung mayroon mang mag sponsor ay salamat, kung wala naman ay mag hati-hati nalang sa kita ng post. Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
syang tunay. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha gusto ko sya pero sana di mo na ako pinatay 😂 happy ending lang sana.
Salamat sa pagtutuloy ng tula.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hahaha dami ko tawa. Sabihin na lang po nating isang pangkalahatang tula ito sa sumisimbolo sa daloy ng buhay ng isang tao :) :) :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha ako din madaming tawa. Aabangan ko ang iyong likha na gagawing pang biglaang collab ni @tagalogtrail. Hindi ako makakapayag na ako lang ang namatay 😈 😈.
But honestly @beyonddisability your poem's really good.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
wahahahahahaha... kasi naman tumanda ka na dyan sa tula bro. hahahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit