Ang Maikling Tulang ito ay base sa tunay na nilalaman ng puso ko sa ngayon. Sana'y maging inspirasyon ito.
Ako ay nalilito, hindi alam saan patutungo,
Panginoon, patnubayan Niyo po ako.
Sa pakiwari ko'y pasan ko ang mundo,
Mabigat na para bang hindi na kaya ng aking mga balikat.
Pero Panginoon, patnubayan Niyo po ako.
Tinitiis ko ang lahat para maibigay lang ang nararapat sa aking minamahal,
pero bakit kulang pa at hindi sapat?
Para bang ako'y nag-iisa sa laban ng buhay,
bakit hindi ko makita ang bahaghari na sabi nila ay makulay?
Panginoon, patnubayan Niyo po ako,
kung minsan ay nalilimutan ko na ikaw ay nandiyan at handang makinig sa aking pagsamo.
Maraming mga tanong na hindi ko maliwanagan ang kasagutan,
Sadya nga bang ako'y nagbubulagbulagan lamang?
Panginoon, patnubayan Niyo po ako,
pagkat ako'y naglalakad sa isang madilim na kagubatan at nakakatakot na mga nilalang ang humaharang sa aking dinaraanan.
Ako'y mahina, ako'y lampa, palaging nadarapa,
naghihintay ng iyong pagkalinga.
Panginoon, patnubayan Niyo po ako,
pagkat ako'y makasalanan, madaling masilaw sa karangyaang hindi naman pinagpaguran.
Balang araw ako'y makakabangon, sa pagkakalugmok sa kahirapan,
sapagkat alam kong nandiyan ka at hindi kailanman lilisan.
Panginoon, patnubayan Niyo po ang taong ito na walang ibang alam kundi ang makakabuti para sa mga taong aking tanging yaman!
Maraming Salamat po sa pagbasa sa orihinal na aking gawa. Mabuhay ang #LiteraturangPilipino.
Be grateful even in small ways. Share now your #gratefulvibes story. Join the @gratefulvibes community by @paradise-found.
P.S. support Sir Terry @surpassinggoogle by voting @steemgigs as a witness.
Visit https://steemit.com/~witnesses then type "steemgigs" in the search box.
Maraming Salamat!
Thank you so much Steemians!